Prestige Corporation increases number of customers says owner

Isa na rin sa mga nakikilala pagdating sa skin care products at pagpapaganda ay ang Prestige Corporation na pag-aari ng mabait at masipag na si Mannix Carancho. Nagsimula ang kumpanya noong 2014. Katulad ng ibang negosyante, sobrang ipinagmamalaki ito ng Mr. Carancho. 

“We are proud that this company become permissible on the year 2015. Thus, gaining more consumers, who believed in our skin care products, through referrals, online and television advertisements, sponsorship, and online marketing is a way to improve business to the society.”

Kahit marami nang nagsulputan at magsusulputan pang ganitong klase ng negosyo ay mukhang hindi na matitinag ang Prestige kahit iniintriga ito na hindi raw magtatagal. Pero sa hanay palang ng mga endoser nila ay siguradong mapapahiya ang mga kumakalaban dito. Sina Arron Villaflor, Katrina Halili, Albie Casiño , Wryan Chua at Greg Hawkins lang naman ang kanilang endorsers. 

Speaking of Greg Hawkins, masaya niyang ibinalita sa amin sa Prestige Uncover event na may working permit na siya at wala nang sagabal sa papaganda niyang karera dito sa Pinas. Pero sa mga nag-aabang kung mapapanood na siya sa “It’s Showtime kung saan siya nagsimula ay sinabi ng binata na wala pang katiyakan ito. Sa ngayon napapanood siya sa “Legal Mistress” sa Sari-Sari Channel ng Viva.

Leave a comment