PPP4 extended until December 13

Bilang pagtugon sa hiling na habaan ang ika-4 na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), at dahil sa pagdagdag sa lineup na mayroong 170 na pelikula, at para mapaunlakan ang final fine-tuning ng ibang pelikula sa PPP Premium Selection section, extended na ang festival ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) mula sa 16 na araw hangang 44 na araw. Ang PPP4 ay magaganap mula Oktubre 31 hanggang Disyembre 13.

Mas maraming mapapanood ang subscribers dahil may idadagdag na pelikula sa peak hours at weekends, at matututo rin sila tungkol sa filmmaking at Pelikulang Pilipino mula sa industry experts sa pamamagitan ng events gaya ng talkback sessions, panel sessions, at masterclasses. 

Ang online PPP ngayong taon ay magkakaroon ng mixed format sa FDCP Channel platform (fdcpchannel.ph). Ang libreng video-on-demand (VOD) streaming ay para sa 80 na short films at para sa isang full-length feature: ang restored version ng “Anak Dalita” ni National Artist for Theater and Film Lamberto V. Avellana. Ang libreng VOD streaming ay available mula Oktubre 31 hanggang Disyembre 13.

Samantala, ang iba pang full-length features ay magkakaroon ng scheduled livestream screenings sa apat na virtual cinemas (na pinagalanan sa Cinematheque Centres ng FDCP). Hindi lalagpas sa anim na screenings sa bawat pelikula ang napagkasunduan ng producers at FDCP para ma-minimize ang exposure sa piracy. Ang paid scheduled screenings ay mula Nobyembre 20 hanggang Disyembre 13.

“We are listening to our subscribers, producers, and the rest of our stakeholders in order to make the 4th Pista ng Pelikulang Pilipino a more inclusive solidarity event. Aside from announcing the PPP4’s extended duration, we are also pushing forth the ‘Sama All’ spirit by offering a wide array of events to further promote Philippine Cinema, encourage more viewers to learn about the art of filmmaking, and boost the thriving PPP community,” wika ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

PPP Short Film Showcase kasama ang ‘Anak Dalita’ Special Screening 

Mula Oktubre 31 hanggang Disyembre 31, magkakaroon ng PPP Short Film Showcase ng Philippine shorts mula sa CineMarya Women’s Film Festival, Sine Kabataan Short Film Competition, at 21 na regional film festivals.

Tampok sa CineMarya Shorts Premiere ang 12 na finalists ng CineMarya, isang short film lab na inisyatibo ng Department of the Interior and Local Government na may pakikipagtulungan sa FDCP, Quezon City Film Development Council, at Philippine Commission on Women.

Limang short films naman ang ipalalabas mula sa Sine Kabataan ng FDCP: ang mga nagwagi sa nakaraang tatlong edisyon nito kasama ang 2019 Jury’s Choice at Audience Choice. Sa Regional Shorts, 63 na pelikula mula sa iba’t ibang regional film festivals sa buong Pilipinas ang magbibigay ng spotlight sa regional cinema.

Ang libreng screening ng restored version ng “Anak Dalita” (1956) ni Lamberto V. Avellana ay mapapanood sa Sandaan section sa buong PPP4 duration. Libreng ipalalabas ang “Anak Dalita” para mapanood to ng mas nakararami bilang parte ng Sagip Pelikula Advocacy Campaign ng ABS-CBN na may pakikipagtulungan sa LVN Pictures, Inc.

PPP Main Feature Film Showcase 

Simula Nobyembre 20, mapapanood ng PPP subscribers ang lahat ng feature films sa sumusunod na sections: PPP Premium Selection, Romance, Youth and Family, Classics, Pang-Oscars, Genre, Bahaghari, Tribute, Documentaries, PPP Retro, at Special Feature para sa “Mula sa Kung Ano ang Noon” ni Lav Diaz na higit sa limang oras. 

Magkakaroon ng scheduled livestream screenings ang feature films sa pamamagitan ng apat na PPP virtual cinemas na pinangalanan sa Cinematheque Centres ng FDCP sa Manila, Iloilo, Davao, at Nabunturan. 

Bilang pagkilala sa arthouse cinemas ng FDCP na sarado pa rin dahil sa pandemya, nais ng pambansang ahensya ng pelikula na dalhin online ang Cinematheque experience at film festival atmosphere. 

Sa pamamagitan ng scheduled livestream screenings, mararanasan pa rin ng subscribers ang community experience na panonood ng pelikula nang sama-sama. Kahit na accessible ang FDCP Channel sa buong mundo, ang content sa platform nito ay geo-locked sa Pilipinas lamang.

Public at Exclusive Events sa PPP4

Simula Oktubre 31 hanggang Disyembre 13, magkakaroon ng libre at exclusive events para mapalaganap ang diwa ng “PPP4: Sama All.” Layunin ng events na palakasin ang PPP community at ipalaganap ang pagpapahalaga at pagmamahal para sa Pelikulang Pilipino.

Ang libreng events ay para sa PPP Short Film Showcase na mayroong CineMarya Shorts Premiere, Sine Kabataan, at Regional Shorts. Ilan sa mga libreng events ang sumusunod:

Talkback Sessions with featured shorts

PPP Panel Discussion (Remembering Yolanda and the Stories of Eastern Visayas, Bringing Regional Stories to the Big Screen, at Film Restoration)

CineMarya Specials (Women in Philippine Cinema at Women in Public Service)

CineMarya Awarding Ceremony (Nobyembre 6)

Magkakaroon din ng Sine Kabataan Story Development Lab mula Nobyembre 13 hanggang 15 para sa napiling filmmakers na may edad 18 hanggang 30. Samantala, simula Nobyembre 14, magkakaroon ng access ang Premium Festival Pass holders sa mga sumusunod na Exclusive Premium Events:

PPP4 Grand Virtual FanCon (Nobyembre 14) – Tuloy ang tradisyon ng PPP FanCon online kung saan magsasama-sama ang PPP fans at mga kalahok na filmmakers at artista.

Opening Night of Main Feature Film Showcase – Talkback with National Artist for Film Kidlat Tahimik para sa “Ang Lakaran ni Kabunyan: Kabunyan’s Journey to Liwanag” (Nobyembre 20)

PPP Premium Showcase Talkback Sessions kasama ang filmmakers at actors mula sa selected Premium Selection titles

PPP Exclusive Panel Discussions (Explicit and Realistic Depiction of LGBT+ Films, Visual Storytelling for Kids, Coming-of-age Films for Young Audiences, Auteurs and Arthouse Panel, Romance Films, Dissecting a Genre Film: From Conceptualization to Audience Reception, The Cinema Experience – Nood Tayo ng Sine Panel, at Documentary Filmmaking)

PPP Masterclasses (Philippine Queer Cinema, Love to Write on Love, Intellectual Property and the Film Industry, at Musical Scoring)

PPP4 Awarding Ceremony para sa Premium Selection films, maliban sa restored titles (Disyembre 12) 

Replay ng “Sine Sandaan: The Next 100 – Closing Celebration of the Centennial of Philippine Cinema” (Disyembre 13)

‘PPP4: Sama All!’ Subscription Options

Mayroong subscriptions options ang PPP4 na para sa lahat: ang mga nais manood ng pelikula at pumunta sa events sa buong duration ng festival na may 44 na araw, ang mga gustong manood at sumali sa events pero kulang sa oras, at ang mga nais makapag-access sa libreng content. 

Free Pass – Access sa PPP Short Film Showcase, Special Sandaan Screening, Full List of Films, Festival Calendar, Festival Guide, at PPP Public Events

Day Pass (PHP 99) – Access sa PPP Short Film Showcase, Special Sandaan Screening, Full List of Films, Festival Calendar, Festival Guide, PPP Public Events, Main Feature Film Showcase maliban sa Premium Selection titles, at Dalawang (2) Virtual Cinematheque Screens; valid para sa 24 na hours mula sa date of purchase at available simula Nobyembre 20 

Half-Run Pass (PHP 299) – Access sa PPP Short Film Showcase, Special Sandaan Screening, Full List of Films, Festival Calendar, Festival Guide, PPP Public Events, Main Feature Film Showcase maliban sa Premium Selection titles, Dalawang (2) Virtual Cinematheque Screens; valid para sa 12 na araw mula sa date of purchase at available simula Nobyembre 20 

Premium Festival Pass (PHP 599) – Access sa PPP Short Film Showcase, Special Sandaan Screening, Full List of Films, Festival Calendar, Festival Guide, PPP Public Events, Main Feature Film Showcase kasama ang Premium Selection Showcase, Lahat ng Virtual Cinematheque Screens, Lahat ng Exclusive PPP Events (Q&A Sessions kasama ang Premium Showcase Cast at Director, Panel Sessions, Masterclasses/Lectures, Exclusive Access sa PPP Grand Virtual FanCon, at 15% off sa PPP Merchandise); valid para sa buong festival duration *May Early Bird Rate (PHP 450) para sa Premium Festival Pass na available hanggang Nobyembre 8. 

Inanunsyo rin ng FDCP na mayroong discounts sa Premium Festival Pass at Half-Run Pass — 30% para sa mag-aaral at 20% para sa senior citizens at persons with disabilities (PWDs). Magkakaroon din ng PPP4+1 Bundle promo.

Sa pamamagitan ng extension ng PPP4 at pagdagdag ng screenings at events calendar nito, nais ng FDCP na makakuha ng suporta mula sa mas maraming manonood at stakeholders para sa film festival na magbibigay ng 100% ng gross proceeds sa producers ng mga kalahok na full-length films. 

Ang PPP, na sinimulan noong 2017, ay presented ng FDCP at powered ng FDCP Channel. Ang PPP4 ay in partnership kasama ang Cocolife at supported ng Glimsol Web & Digital Solutions, Team On Ground, at Dragonpay, ang official payment gateway partner ng PPP4. Ang Media Partners ay The Manila Times at CNN Philippines.

Ang Government Partners sa 2020 edisyon ng PPP ay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Metro Manila Film Festival (MMFF), Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL), at Optical Media Board (OMB).

Suportado rin ang PPP4 ng National Commission for Culture and the Arts, League of Cities of the Philippines, Department of Trade and Industry, Center for International Trade Expositions and Missions, Presidential Communications Operations Office, Philippine Information Agency, Intramuros Administration, at ang City Governments ng Muntinlupa, Valenzuela, Malabon, Quezon, and Makati.

Leave a comment