Power couple Marian, Dingdong love their partnership with Beautéderm

Masayang-masaya ang Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan dahil pareho na niyang brand ambassadors ang sikat na celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera-Dantes.

Sanib-pwersa na nga ang Kapuso Primetime King at Queen sa pag-endorso ng Beautederm.

Unang naging endorser si Marian nang i-launch siya bilang Face of Beautederm Home noong October 2018.

Si Dingdong naman ang latest ambassador na ini-launch nitong January 8 at ine-endorse niya ang Beautederm Cristaux Supreme. 

“Maligaya ako ngayong bahagi na si Dingdong ng aming Beautéderm family ni Marian. Nandito na ang araw that we can proudly say that Dingdong Dantes is officially a Beautéderm Cristaux Supreme brand ambassador,” sabi ng very ecstatic na si Ma’am Rhea. 

Lubos nga ang pasasalamat niya kina Dingdong at Marian para sa bonggang oportunidad at regalo na ito sa pagpasok ng 2021.

May espesyal na pasasalamat ding ipinost si Ma’am Rhea sa Facebook para kay Marian.

Aniya, “What more can I ask for? Hindi ko lang endorser ang isang nag-iisang Primetime Queen, Darna, Dyesebel, at MariMar kungdi kapatid ko na rin siya. Akalain mo un? Isa syang Marian Rivera-Dantes! 

“Ang laki niyang artista pero ni minsan hindi niya pinaramdam sa akin yun. 

“Lagi kami nagkakamustahan, inaask niya kung ano pa ang pwedeng gawin to promote our products. Ramdam na ramdam ko yung concern niya. Nandun ung genuine love nya sa ineendorse nya. Kaya no wonder ayaw syang bitawan ng mga companies na inendorso nya. 

“Tas nung birthday ko, gift niya sakin yung pictorial naming tatlo kasama ang kanyang asawa na si Dingdong. And kahit sa video makikita naman natin na sinabi niya, ‘Pic pa tayo, baka magamit ni Ate.’ 

“Marian Rivera thank you. I am grateful for you everyday. Kaya ka nanatiling nasa taas  kasi napakahumble  mong tao. 

“This is what family is all about. Thank you for loving me unconditionally. Thank you  for this wonderful, heartfelt gift. Napakaselfless offering ng footage mo with Dingdong. 

“Salamat. 

“Mas lalo kita minamahal.” 

Samantala, sa post ni Dingdong sa Instagram ibinahagi niya ang kanyang kasiyahan na maging Beautederm ambassador kasabay ang pasasalamat kay Ma’am Rhea.

Ngayon daw ay alam na niya kung bakit masaya ang misis niyang si Marian sa piling ng Beautederm family.

Ayon sa IG post ni Dingdong, “What a terrific way to jumpstart 2021 — finally, I am a Beautéderm Brand Ambassador.

“Cristaux Supreme is an essential part of my daily skin regimen and it really, really works!

“I am filled with gratitude to you, Ms. Rei Tan for getting me to be a part of Beautéderm’s amazing family.

“I now see and feel what my wife Marian, who is the the brand ambassador of Beautéderm Home, is gushing about. Beautéderm is indeed a one, big happy family — and I can’t wait for all the wonderful things that we will do together this New Year!

“Here’s to new begginings and a life-long partnership!  Mabuhay po ang Beautéderm!” 

Proud naman si Marian sa kanyang mister sa post niya sa kanyang Facebook page, “This is a Terrific Treat to formally open 2021!!!! 

“I proudly welcome Dingdong Dantes to our Beautéderm Family as the official Brand Ambassador of Beautéderm Cristaux Supreme” 

Ang Cristaux Supreme ay isang FDA-Notified product na dinadagdagan ang collagen synthesis na bumabanat at nag-moisturize ng balat; nagpapaputi ng balat; minimizes skin puffiness; alleviates eyebags; provides glass skin; at nag-de-defy sa pagtanda.

Mainam ito sa mga edad 18 gulang at pataas at ligtas para sa mga lactating mothers.

Ang produktong ito ay meticulously formulated at sinadya at maingat na ginawa upang maging ligtas para sa lahat ng skin types at pinakamainam itong gamitin dalawang beses sa isang araw at maaaring gamitin bilang primer sa make-up. 

Ipinaliwanag pa ni Ma’am Rhea ang wondrous effects ng Cristaux Supreme, “Dalawang taong katumbas ng wrinkles ang binubura ng Cristaux Supreme in just two months of regular use.

“Very hard-working si Dingdong at ang mahahabang oras na ginugugol niya sa set ng kanyang trabaho sa pelikula at TV will really give his face unwanted lines and wrinkles, at ang Cristaux Supreme ang pinaka-ideal na serum para sa kanyang lifestyle.” 

Para sa mga karagdagang impormasyon ukol sa Beautéderm Cristaux Supreme at exciting updates kay Dingdong Dantes at sa Beautéderm, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube. 

Leave a comment