Pops Fernandez doesn’t age, discovers new loveteam

Present ang super fresh at hindi tumatandang si Pops Fernandez sa mediacon ng “Feelennial” na bida sina Bayani Agbayani at Ai Ai delas Alas. Produced ng DSL  Productions ni Pops at ng Cignal Entertainment na showing na sa June 19 sa mga sinehan.

Namiss ng mga press si Pops kaya inulan ito ng mga tanong. Dahil blooming at mukhang hindi tumatanda ang original Concert Queen, baka may nagpapasaya na ng puso nya?

“Ganun?,” umpisang sabi ni Pops na nakatawa. 

“Blooming ako kasi happy ako sa magandang feedback ng trailer ng “Feelennial.” Natatawa ako kasi lagi akong natatanong about lovelife kahit wala naman talaga. Happy lang talaga ako na we have a good movie at ‘yun nga, positive ang feedback ng mga nakakapanood ng trailer.

“Lumalabas ang trailer in all channels kung naka-Cignal. So masaya na nakikita mo talaga, na napapanood mo, at matatawa ka sa mga eksena. Trailer pa lang ‘yun, huh! What more kung full movie na.” 

Hindi sinasadya, pero kapwa may issue ang mga bida niya sa pelikula. Si Bayani, iniintriga sa recent trip nya sa Japan kasama si Pres. Rodrigo Duterte. Si AiAi naman, ‘yung tungkol sa reaksyon ng Ex-Batallion na iniwan na niya bilang manager. 

Natawa lang si Pops pero hindi sya nag-comment tungkol sa mga issues na meron ang dalawa. Si Bayani nagpaliwanag na. Si AiAi, dedma na lang sa isyu.

“Actually, hindi ko alam na first time nilang magtatambal sa pelikula. Pero alam ko na friends sila matagal na. Nung pinaguusapan namin ang pelikula, parehong babae ang bida sa story. Tapos nagkita kami ni Bayani sa isang event, pag-uwi ko tinawagan ko si direk at sinabi kong gawin na lang babae at lalake ang bida. Ayun, ni-revise ang script kaya pumasok si Bayani. 

“Swak na swak ang chemistry nila kaya tuwang-tuwa kami. Perfect talaga sila. May bago kaming na-discover na loveteam! Hahaha!” masayang tsika pa ni Pops.

Nag-guest si Pops sa movie together with Martin Nievera, at ang dalawa nilang anak na sina Robin and Ram Nievera at si Paolo Ballesteros. 

Wala nasyang plano na mag-artista at forever producer na lang siya?

“No naman. Depende kung may magandang project, why not? Pero saka na ‘yun, focus muna ako dito sa “Feelennial,” sabi ni Pops. 

Ang “Feelennial” ay mula sa direksyon ni Rechie del Carmen. Kasama rin sa pelikula sina Ina Feleo, Nar Cabico, Arvic Tan, Micah Muñoz, Jelai Andres, Nicole Donesa at marami pang iba. 

Leave a comment