Politician boyfriend, lucky charm of Aiko Melendez?

Nasungkit ng aktres na si Aiko Melendez ang Best Supporting Actress trophy sa Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi Ng Parangal, December 27.

Matatandaang noong nanalo rin sya ng Best Supporting Actress (sa Star Awards for TV) para sa kanyang pagganap sa seryeng Wildflower, kasama rin nya ang politician boyfriend na si Mayor Jay Khonghun.

Sa patanggap ng MMFF Best Supporting Actress ng trophy, sinamahan sya ng boyfriend. Senyales na ba ito na si Mayor na talaga ang right one para kay Aiko? Mukhang maganda ang sinasabi ng mga bituin sa relasyong Aiko-Jay. Sunud-sunod din ang mga proyekto ng aktres.

Wish ng mga tagahanga ng award-winning actress na magtagal at sana raw ay si Mayor Jay na ang forever ni Aiko. Kung sya ang best supporting actress, ang kanyang boyfriend naman ang best supporting boyfriend dahil sa lahat ng suporta na ipinakita nya sa aktres.

Suot ni Aiko ang pink gown na nilikha ni Edwin Tan. Noong Star Awards for TV, Edwin Tan din ang kanyang isinuot na sinabi nyang maswerte rin daw sa kanya ang designer.

Masayang masaya ang aktres sa kanyang pagkakapanalo. Bago pa man ang awards night ay marami nang nagsasabi na malakas ang laban ni Aiko para sa kategoryang iyon.

Thankful Rainbow’s Sunset actress sa papaskong ito ng MMFF sa kanya. Pahayag nya, sana raw ay mas tangkilikin pa ng marami ang pelikulang pilipino.

Showing pa rin ang Rainbow’s Sunset na nakapag uwi ng awards mula sa MMFF—Best Screenplay for Eric Ramos, Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award, Best Production Design, Best Movie Theme Song, Best Supporting Actor for Tony Mabesa, Best Director for Joel Lamangan, Jury Prize for Eddie Garcia and Max Collins, Best Actress for Gloria Romero at Best Picture.

Leave a comment