Playboy, ang unang impression ni Liza Soberano kay Enrique Gil

ni Rommel Placente

Forevermore-Liza Soberano & Enrique Gil
Liza and Enrique on @enriquegil17

Sabay na nag-guest sa The Buzz kahapon ang dalawang bida ng seryeng Forevermore na sina Liza Soberano at Enrique Gil. Sa tanong ni Boy Abunda kay Liza kung ano ang first impression nito kay Enrique sa una nilang pagkikita, ang sagot ng dalaga ay playboy.

“Kasi he seems like one of the the types of guys that plays with girls,” sabi ni Liza

Natakot ba siya sa impression na ‘yun?

“Yes”, sagot niya

Pero nung nakilala na raw niya nang husto si Enrique ay nagbago ang impression niyang ‘yun sa kanyang ka-lovetream.

“He’s a very family-oriented person. He does everything for his mommy, his brother and sister.

“And also he loves his daddy very much eventhough he’s no longer here.”

Sa sinabing ito ni Liza tungkol kay Ken, tinanong ni Boy si Enrique kung love niya rin ba si Liza, kung may feelings ba siya rito.

“To be honest, oo meron,”pag-amin ni Enrique.

Yung feelings ba niyang ito ay nasabi niya kay Liza?

“Minsan napi-feel niya.”

Sa sagot na ito ni Enrique ay tinanong ni Boy si Liza kung nararamdaman ba niya ang feelings sa kanya ni Enrique.

Ang sagot ni Liza ay,”Yes po,”

ForevermorePaano pinaparamdam ni Enrique anng feelings niya kay Liza?

“Sa mga simpleng bagay lang. ‘Yung pag-aalalay sa kanya,”

Paano niya ina-assure si Liza na hindi siya playboy?
“Nakilala na niya ako kaya alam niya yun.”

“Hindi na siya takot,” natatawang sabi pa ni Enrique.

Leave a comment