Piolo, Iñigo affected by bashers calling them gay

Si Piolo Pascual ay isa lang sa mga artistang pinapatulan ang bashers. Hayan nga at hinamon niya ng suntukan ang isang basher niya, na tinawag sila ng anak niyang si Iñigo Pascual, na mag-amang bakla.

Nag-ugat ito ng mag-post ni Piolo ng litrato nila ni Iñigo noong Linggo, January 20. Kuha ang litrato matapos nilang lumahok sa 10-kilometer marathon event ng Sunpiology sa Jakarta, Indonesia. 

Ayon sa caption ni Piolo: “@sunlifeph represent:) done with our first resolution run in Jakarta:) perfect weather, great course, awesome people…

“Next week is manila’s turn for sunpiology’s 10th anniversary… see you all on Jan 26, 2019 at camp aguinaldo for #sunpiologytr10 #lifesbrighterunderthesun”

Dito nagbitiw ng hindi magandang salita ang isang basher laban sa mag-ama.

Sabi nito, “Mag-amang bakla haha!”

Pagkalipas ng isang oras ay sinagot ni Piolo ang kanyang basher at sinabing “suntukan tayo!”

Balik-sagot ng basher, “@piolo_pascual San lugar sige punta ako./ alam ko iblock mo na ako haha. Ala namang reply San ba place akala ko ba suntukan haha”

Maya-maya ay muling sumagot ang Kapamilya actor.

Aniya, “@s********* ok game! San mo gusto???”

Sagot ulit ng basher,” @piolo_pascual ikaw mag bigay at pupunta ko now mismo ano ba tagal mag reply San ba lugar inip nako haha”

Balik-sagot naman ni Piolo, “nasaan ka?!?!!!”

Sagot ng basher ay nasa bandang Timog Avenue raw siya.

Tinanong ulit ni Piolo kung saan eksaktong lugar sa Timog naroon ang kanyang basher.

Pero humirit ulit ang basher na siya na lang ang pupunta kung nasaan man ang Kapamilya actor.

Sa puntong ito, hindi na sumagot si Piolo. Siguro naisip niya na hindi rin naman magpapakita sa kanya ang basher, at magsasayang lang siya ng oras sa pakikipagsagutan dito.

Pero matapos ang ilang oras ay si Iñigo naman ang sumagot sa basher ng ama, Sabi nito, @s********* papansin [laughing with tears emoji] tapang ah”

Pero walang sagot ang basher.

*****

GLENDA VICTORIO, THE LODI OF THE ONLINE BUSINESS

21 years old and successful online businesswoman. Ito ang may K na kwento ni Glenda Victorio.

Matatandaang ishinare ni Glenda ang kanyang kahanga-hangang kwento sa progrma ni Korina Sanchez sa Rated K sa ABS-CBN 2. Amindo si Glenda, anak siya ng GRO, pero marami siyang pinangarap sa buhay, ayaw niyang magaya sa naging trabaho ng kanyang nanay. Kaya naman, bata pa lang, naging masipag at naging honor student. 

Laking Morong Rizal, hilig din niya ang pag-aartista, mahilig sumayaw at umarte. Kuing ilang ulit din siyang pumila sa  mga reality shows gaya ng Pinoy Big Brother, pero sadyang wala roon ang kanyang swerte. 

Kahit maagang nag-asawa, pursigido si Glenda na umasenso, at yumaman. Nung mauso ang pagnenegosyo online, ito ang tinutukan niya kasama ang kanyang mister na si Mac. Pumupunta sila sa Divisoria, namimili ng kung anu-ano like make-up, sabon, damit, kandila, para ibenta online. 

At dahil nga sa sobrang kasipagan at pagpupuyat, tinubuan ng taghiyawat si Glenda. Doon pala magbabago ang kanyang buhay. Mula sa kanyang supplier ng kandila, bumuo sila ng Black Charcoal Soap, at mismong si Glenda ang unang sumubok nito, ginawa niyang guinea pig ang sarili and ALAS! 

Kuminis ang kanyang mukha, ini-upload online. Sino nga ba ang magsasabi na ang dating pumipila sa PBB na hindi natangap at halos walang pamasahe noon, ay isa nang multi-milyonarya ngayon?

Leave a comment