Paolo, LJ get source of happiness from daughter Summer

FEELENNIAL / Column
Sa recent online interview nina Paolo Contis at LJ Reyes, ibinahagi nila kung kanino nagmana si baby Summer.

Ayon sa ‘Bubble Gang’ mainstay, maganda raw ang combination ng ugali nila na nakuha ng anak.

“Masasabi ko rin kasi na yung combination, nakuha talaga pareho. Sobrang ma-PR si Summer, kay LJ ‘yun. ‘Yung humor sa akin. So it’s a good combination. Masaya, kumbaga siya yung inspirasyon namin sa bahay, pang-aliw sa lahat.”

Dagdag pa ni LJ, kahit daw ang anak na si Aki ay kinagigiliwan din si Summer.

“Kahit si Aki, pag nabo-bore siya, kunyari wala na siya maisip gawin, pupunta siya kay Summer para malibang siya.”

*****

Maituturing na isang solid Kapuso ang ‘Magkaagaw’ star na si Jeric Gonzales.

Kuwento niya, ang pagkapanalo niya sa Protégé ang nagbukas ng maraming pinto para sa kanyang career.

“Sa buong stay ko sa GMA, naramdaman ko talaga ‘yung pagmamahal nila, ‘yung pag-aalaga, ‘yung pag-protekta nila. My proudest moment in GMA is ‘yung nanalo ako sa Protegé.

“Hindi ko alam kung paano ko i-e-explain ‘yung sarili ko noon. ‘Yung feeling ko that moment, ‘yung emotions. It’s a rollercoaster ride, mahirap ‘yung pinagdaanan namin doon but then, ‘yung GMA opened for us an opportunity para maipakita lahat ng talent namin. Kaming lahat na galing Protegé, very proud na dumaan kami doon.”

Leave a comment