Paolo Contis enjoys his first video singing stint; still mum on rumored relationship with LJ Reyes

Ruben Marasigan

by Ruben Marasigan

paulo12 Kamakailan ay nag-viral ang video niya na kumakanta si Paolo Contis. Nagulat nga rin daw ang aktor na umabot ng mahigit 1 million view ito.
“Si Rodfill, ‘yong kasama ko sa Bubble Gang, mahilig siyang mag-collaborate with the other singers,” kuwento ni Paolo nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) sa taping ng CelebritiTV sa GMA kamakailan.
“And then sa Bubble Gang, nagti-trip-trip kaming kumanta. Sabi niya… halika, cover tayong dalawa. Sabi ko, sige… ‘I’m Not The Only One’ kantahin natin ‘yung Sam Smith kasi during that time, bago. So we had it out on video.
Medyo nakainom ako kasi pampalakas ng loob,” sabay tawa niya.

“Tapos nagulat kami na after three months… hindi naman niya agad pinost sa Facebook niya, e. Inilagay muna niya sa You Tube page niya. Tapos after two months, inilagay niya sa Facebook niya. Ayon biglang nag-hit ng million. Mga more than 1 million, e in just two weeks! Siguro it’s more of the curiosity ng tao na kumakanta pala ako. So ‘yon, nakakatuwa lang.”

paulo2Dahil ba doon, kakarerin na ba niya ang pagkanta?
“Hindi. I’m not that comfortable singing, hindi ko linya. Pero masaya ako na merong nakita ang tao na other side of me. Something that they never thought I’m capable of doing. May stage fright kasi ako, e. Kaya I’m not starting a singing career kasi I am not sure if kaya kong kumanta onstage just as singers do.”
“I can carry a tune. Pero siguro kapag maraming tao, kinakabahan na ako sa gano’n. Maybe I need to train. Pero 31 na ako so parang…ewan ko lang.”

“Puwede pa naman siguro. Pero hindi ko siya bet, masaya lang ako na nakita ng tao ‘yon

 

. So nagkaroon ng more opening for raket-raket.”

Tungkol naman sa rumored relationship nila ngayon ni LJ Reyes, asiwang magbigay ng pahayag si Paolo. Puro ngiti lang kapag ito na ang itinatanong sa kanya.
“Again, I’d like being private about that part of my life,” sabi niya.

paulo3Dati naman kapag tinatanong siya tungkol sa lovelife o personal life niya, hindi siya nangingiming magsalita o mag-share hinggil dito.
“Oo, nagsi-share ako. Kaya nakita mo… lahat disaster!” natawang biro ng aktor patungkol sa mga nakaraang relationships niya na nauwi sa hiwalayan.

“This time, I wanted to be very private. Just to begin with, una sa lahat wala pa namang ikukuwento. So I don’t want to preempt anything. At the same time, ayokong… dati ay naging masyadong open ako about my private life but this time, hindi na. I know better.”

“Basta we’re getting to know each other. Wala pang formal na anuman.
“E… baka mabulilyaso kapag masyado akong open. And siyempre marami pang ibang iniingatan. Hindi lang naman ‘yong… ako o siya, marami pang ibang mga aspeto ng buhay na kailangang ingatan namin. That’s why we just wanna be quiet. Well, it’s happier to be quiet honestly.”

Leave a comment