Paolo Contis, Andrea Torres to star in new GMA series

Sumabak na sa taping ang cast ng pinakabagong series ng Kapuso Network na ‘I Can See You: The Promise’ na pagbibidahan nina Paolo Contis, Yasmien Kurdi, Andrea Torres, at Benjamin Alves. 

Sa behind-the-scenes photos ng serye ay mapapansin na sa isang lake house na may magandang tanawin kinuhanan ang mga eksena.

Makikita rin sa mga ito na mabusising pinaghahandaan at maingat na sinusunod ng team ang taping guidelines at new normal workflow sa pagbuo ng exciting sequences.

Nauna nang inanunsyo ang ‘I Can See You: Love on the Balcony’ na pagbibidahan naman nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, at Pancho Magno. 

Samantala, ‘High Rise Lovers’ at ‘Truly, Madly, Deadly’ naman ang pamagat ng ilan pang mga kwentong itatanghal bawat linggo sa naturang series.

Nasasabik na rin ang ilang netizens na malaman kung sino pang Kapuso stars ang bibida sa pinakabagong offering ng GMA Drama team na mapapanood sa Telebabad block.

Mapapanood ang ‘I Can See You’ ngayong Setyembre na sa GMA-7!

Leave a comment