PAF asked Alden to join military

Sa panahon ngayon ng lockdown dahil sa coronavirus pandemic, nakagarahe ang ating local celebrities sa kanilang mga bahay.

Bukod kasi sa tigil ang lahat ng produksyon (TV, movie at theatre), wait and see pa rin ang attitude ng lahat kung kailan mali-lift ang enhanced community quarantine.

Dahil naka-home quarantine, kanya-kanya ng gimik ang mga artista ng kanilang pagkakaabalahan para iwas-buryong.

Ang isang aliwan ng karamihan ay ang magtiktok para aliwin ang kanilang fans at followers.

Ang iba naman ay join sa tiktok bandwagon para makiuso.

Pero sa kabila ng pagiging “in” ng tiktok, wala raw balak ang Asia’s Multimedia Star at Pambansang Bae na si Alden Richards na makigulo sa latest craze.

Aniya, ipapaubaya na lang daw niya ang pagtitiktok sa kanyang ama na si Richard Faulkerson,Sr. na mahilig sa ganitong klase ng palabas.

Kung sakali raw, mas gusto pa niyang karerin ang pagiging vlogger na magandang paraan para maka-bonding niya ang kanyang fans.

Sa kanya namang IG Live, sinabi ni Alden na may imbitasyon siyang natanggap mula sa Phillippine Air Force(PAF) para maging military reservist.

Sa ngayon daw ay inaasikaso niya ang kanyang commitments at kung libre na siya ay malamang na join na rin siya rito.

Kung matutuloy ito, magiging kaliga na rin ng bedimpled actor sina Ronnie Liang, Dingdong Dantes, Matteo Guidicelli, Gerald Anderson at marami pang iba.

Speaking of Aldub, excited na raw ang fans nila ni Maine Mendoza sa napabalitang balak ng Eat Bulaga na ibalik ang kanilang tambalan.

Leave a comment