Oyo Boy Sotto defends Dad from Instagram basher

by PSR News Bureau

Hindi na nga nagawa ng aktor na si Oyo Boy Sotto na makapagpigil pa ng galit sa isang Instagram basher ng kanyang ama na si Vic Sotto matapos nitong mabasa ang mensahe na naka-post sa kanyang IG account. Hayagang sinabihan kasi ang ama ni Oyo na isang ‘pedophile’ sa ginawang pakikipagrelasyon nito sa aktres na si Pauleen Luna na nakatakda nitong pakasalan. Sabin g isang nagngangalang @haks4eng: “Would you also allow your daughter to marry a grampa? Your dad is a pedophile! Disgusting!”

A photo posted by Oyo Sotto (@osotto) on

Kaagad namang dinepensahan ni Oyo ang kanyang ama mula sa naturang basher at sinabing mabuti ang motibo ng kanyang ama at nagmamahal lang ito ng sinsero kay Pauleen. Sinabi ni Oyo, na Vittorio Mari Sotto sa tunay na buhay [anak ni Vic Sotto sa dati nitong asawa na aktres na si Dina Bonnevie] na: “Stop the hate. At least my dad and Pauleen are going to do the right thing. They both wanted to get married. Hindi namilit ang tatay ko.”

Matapos nito’y marami rin ang nagtanggol kay Bossing Vic sa nasabing thread. Ang iba nga’y nagbigay ng pay okay Oyo na huwag na lamang pansinin ang nasabing basher dahil halata namang nangaasar lang ito upang makuha ang atensiyon ng publiko.
Malapit na kasing ikasal sina Vic at Pauleen. Malaki ang lamang ng edad nina Pauleen at Vic, pero ika nga nila, sa pag-ibig ay hindi kailanman nagiging hadlang ang edad basta’t ang dalawang tao’y tunay na nagmamahalan.

Leave a comment