Old school gay bar no more—Wilbert Tolentino

Sobra ang paghanga namin sa dating Mr. World Philippines na si Wilbert Tolentino. Ipinagpatuloy niyang makapagbigay ng entertainment na magiging swak sa panlasa ng kabadingan at pati na rin sa mga kababaihan sa pamamagitan ng kaniyang mga entertainment bar.  

Sa pagdaan ng panahon kasi hindi lamang mga gay ang naghahanap ng ganitong klaseng libangan kundi pati kababaihan na rin. Puwede na sa lahat ng gender. Hindi na kailangang magdalawang isip pa ang mga babae para pumasok.

Kabilang sa mga patok na lugar na pagmamay-ari ni Wilbert ay ang The One 690 na unang magsi-set ng high standard caliber entertainment sa henerasyon ngayon.

Inihain nila ang makabagong production number na pasado sa panlasa ng mga kababaihan at sangkabekihan. Mas fabulous, amazing ang show na pasabog ang costume. Nandiyan ang Las Vegas-type shows,  Broadway sa New York at Moulin Rouge sa Paris. Pang-world class talaga.

Of course, hindi pa rin nawawala ang mga seksi at guwapong modelo sa kanilang katakam-takam na performance.

“Yung 24 production numbers ay teaser pa lang. Inimbitahan ang mga committee, press, bloggers para makapanood at makapagbigay ng pointers, score at survey para sa unang pasabog ng THE ONE 690 step up 2019 & LEVEL UP Millennials production show. Ang One 690 ay  tinatawag  na “THE CLUB THAT STARTED IT ALL ng Pilipinas. Siya rin ang kauna-unahang gay bar entertainment bar na may billboard sa EDSA at sa mga highway,” bulalas ni Sir Will. 

“Ni-level up namin ang The One 690 dahil girls night out na ang trending sa millennials. Maraming ganap na rin gaya ng bridal shower party.

“Open minded na ang society ngayon compare sa 70’s 80’s & 90’s na henerasyon. Sumasabay na ang entertainment bar sa makabagong panahon,” sambit pa niya.

Nagpasalamat din siya sa mga taong naniniwala sa kakayahan nila ni Genesis sa entertainment industry at  sa suportang nakukuha nila sa mga parokyano.

Bolder. Wiser. Sexier kung isasalarawan ang THE ONE 690 ENTERTAINMENT BAR. May tagline din ito na IT’S QUALITY MEN ENTERTAINMENT. Napanood namin ang pasabog ng bar kamakailan lang at talaga namang world class ang dating ng mga production numbers at performers. 

Bukod sa The One 690, nag-decide si Wilbert at isa sa mga partner niya na si Genesis na magtayo pa rin ng  bagong entertainment bar at ito ay ang APOLLO WORLD CLASS MALE ENTERTAINMENT & KTV BAR. 

Matatagpuan naman ito sa 717-B Roxas Boulevard, Paranaque City (malapit sa Baclaran). Gaya sa The One 690, mapapanood din dito ang mga pasabog na production show.

“Old school gay bar no more!,” pagtatapos ni Sir Wilbert.

Leave a comment