Ogie Diaz defends Liza, Enrique from bashers

Pagkatapos umamin nina Liza Soberano at Enrique Gil kay Vice Ganda sa show nitong Gandang Gabi Vice nu’ng Linggo, na mag-on na sila, at 2 years nang tumatakbo ang kanilang relasyon, ay nakatanggap na sila ng pamba-bash. 

Itinaon daw kasi nila ang pag-amin, dahil may movie silang pino-promote, ang Alone/Together, na showing na today, February 13. 

To the rescue naman kay Liza ang manager niyang si Ogie Diaz. Ipinagtanggol nya ang kanyang alaga at ang boyfriend na si Enrique sa pamamagitan ng kanyang Facebook post. 

Sabi ni Ogie, “Bakit umamin? Ah, kasi may movie na ipino-promote?

“Makakatulong ba ‘yung pag-amin nilang more than two years na sila para maging mapayapa ang Mindanao?

“So kung sila na? Bababa na ba ang presyo ng gasolina at bilihin? Tataas na ba ang minimum wage? Matatapos na ba ang tigdas outbreak?

“Yan ‘yung mga nababasa kong comments ng ilang netizens matapos umamin for the first time sa “Gandang Gabi, Vice” sina Enrique Gil at Liza Soberano na matagal na silang may relasyon.

“Okay. Una, sa social media naman ay you really cannot please everybody. Pero kailangang intindihin na iba-iba naman ang take at stand ng tao sa mga political issues o kahit sa showbiz issues. That’s understandable. Kaya unawang-unawa ko naman ‘yan.

“Ang GGV ay iba ang konsepto, eh. Dito talagang hindi papayag si Vice Ganda na hindi lumabas ang totoo. Otherwise, kailangang me mapiga siyang “sustansiya” sa mga nagge-guest sa kanyang show kung ayaw pang umamin.

“Dahil may ipino-promote, kaya umamin?

So kung walang ipino-promote at umamin, ang kasunod nang mga hanash diyan ay, “Hindi kasi pinag-uusapan, kaya umamin?” or “Bakit umamin eh wala namang ipino-promote na movie?”

“So hindi mo talaga alam kung saan ka lulugar. Punta ka sa kanan o kaliwa, tiyak mahuhulog ka pa din. Dumedma ka, me sasabihin pa rin sila.

“So ngayong umamin ang LizQuen, me sinasabi pa rin ‘yung iba, hahahaha! Anyway, okay lang ‘yan. Pasensiya na po sa naapektuhan ng kanilang pag-amin.

“Kung iniisip n’yong may ipino-promote na “Alone/Together” ‘yung dalawa kaya umamin, eh opinyon n’yo na po ‘yan. Sila lagi ang magkasama eh what do you expect?

“Ano bang gusto nilang itanong ni Vice Ganda? Kay Liza, kung kumusta na ang friendship nila ni Daniel Padilla o kaya si Enrique kay Kathryn Bernardo, ganun ba?

“Again, kung naapektuhan ‘yung iba at nagkaroon pa ng pribilehiyo na mam-bash eh tanggapin na lang ang katotohanang hindi talaga pare-pareho ang mga tao.

“Basta ang mahalaga, happy ang karamihan, lalo na ang mga LizQuen fans. At in fairness, kinilig pa sila sa pag-amin na ‘yon. At least, maraming napangiti ang loveteam, so sana good vibes na lang.

“Meron pa nga akong nabasang isang comment na natawa ako, eh.

Ang sabi, “Mas okay na ‘yung umamin ang LizQuen kesa du’n sa mga na-viral na news na, ‘Jak Roberto at Barbie Forteza, hindi mag-e-exchange gift ngayong Pasko’ at ‘yung ‘Andrea Torres, naiyak dahil hindi na-perfect ang luto ng kare-kare’.” ✌️✌️✌️

“Anyway, watch na lang tayo para makiluha, kiligin at mainlab uli this Feb. 13 na.

#AloneTogether
#JakAndBarbiePlanongManoodTogether
#AndreaTorresKayaNangLutuin
#AngKarekareAlone😍😍😍😍.”

Leave a comment