Ogie Diaz defends ABS-CBN, shuts down network’s bashers

Isa si Ogie Diaz sa sobrang nalungkot sa pagsasara ng ABS-CBN kagabi, sa utos na rin ng NTC.

Sa naturang network kasi siya nagtatrabaho, at ang mga alaga niya ay talents din ng Kapamilya network na isa rito si Liza Soberano.

Sa kanyang Facebook post, ay pinasalamatan ni Ogie ang lahat ng nagmamahal sa istasyong kinabibilangan niya.

Sabi niya, “Maraming salamat sa lahat ng nagmamahal sa ABS-CBN. Lalaban pa po tayo. Isama nyo sa dasal ang ating network na bahagi na ng pamilyang Pilipino.”

Sa isa pa niyang Facebook post ay pinasaringan naman niya ang ilan sa mga natutuwa sa pagsasara ng ABS-CBN.

Sabi niya, “Sa mga nagsasaya, kumusta? Guminhawa ba ang buhay nyo?  Ikinayaman nyo ba?  Kinagaan ba ng pakiramdam nyo na may eleven thousand employees ang nawalan ng trabaho at pati pamilya nila, damay sa kaadikan mong magsara na ang istasyon.

“Pwede na ba kayong magsaya sa kalsada dahil biglang hindi nyo na naramdamang may pandemic pala?

“Makakakuha na ba kayo ng ekstrang ayuda kasi nagpaalam na ang ABS-CBN? Meron pa ba o ubos na? Kung ubos na, me aabangan pa bang ayuda? 

“Kumusta yung relief operations? Araw-araw ba, me dadaan nang sasakyan sa tapat ng bahay nyo para bigyan kayo ng relief goods? Sana nga, no?

“Dahil kayo yung yes to shutdown, ano feeling nyo, bababaan na kayo ng contribution sa Philhealth at yung no to shutdown lang ang tataasan ang singil?

“Dahil gusto nyo yan, ano na? Aatras na ba ang China sa pag-angkin ng pag-aari ng Pinas?

“Hihinto na ba ang POGO kasi wala ng ABS-CBN?

“Ay, siya nga pala, sana, kayong mga nagsasaya sa pagsasara ng ABS-CBN ay mahatiran din ng tulong ng POGO.

“O maipasok man lang doon ng trabaho kasi ikaw na nagsasaya ngayon, nganga rin.

“Sana, mangyari lahat yan sa buhay nyo o sa bansa natin para naman may silbi sa inyo ang pagsasara ng ABS-CBN. 

“Happy ka na? Pag naganap lahat yan in one year, balikan mo ako. Kasi iko-congratulate kita, dahil tama ang dasal mong i-shutdown ang ABS-CBN.”

Leave a comment