Not Nora Aunor, Malacañang set to proclaim Kidlat Tahimik as National Artist for Cinema

MUKHANG mauudlot na naman ang pagpoproklama kay Nora Aunor bilang National Artist for Cinema. Kung hindi si Nora, si Kidlat Tahimik ang nakatakdang gawaran ng pinakamataas na pagkilala sa isang Filipino artist.

Ayon sa source, this week gagawaran ang Father of Philippine Independent Cinema. Kwento pa ng source, sadyang malakas ang nominasyon at talagang ipinaglaban para hirangin syang National Artist for Cinema.

Si Kidlat ay isang writer, director na kilala locally and globally. Lumaki sa Baguio City at nag aral sa University of the Philippines. Kumuha ng Master in Business Administration sa University of Pennsylvania’s Wharton School. Nagtrabaho rin bilang researcher sa Paris.

Dahil lumaki sa Baguio, halos lahat ng kanyang pelikula ay sumasalamin sa kultura at pagiging kakaiba ng lugar. Hindi matatawaran ang mga pelikulang kanyang idinirehe dahil sa husay ng kwento at pagiging totoo nito.

Achievements para sa kanya ang makapag direk ng mga pelikulang hahamon sa mundo at magpapakita ng tunay na Pilipino.

Ginawa nya ang mga: Perfumed Nightmare (1977), Turumba (1981), Sinong lumikha ng yoyo? Sinong lumikha ng moon buggy? (1982), Orbit 50: Letters to My 3 Sons (1992), Why is Yellow Middle of Rainbow? (1994), Japanese Summers of a Filipino Fundoshi (1996), Our Film – Grimage to Guimaras (2006), BUBONG! (Roofs of the World! UNITE!) (2006), Memories of Overdevelopment 1980–2010 (1980–2010), Balikbayan #1 Memories of Overdevelopment Redux III (2015).

Pati sa ibang bansa ay kinilala ang kanyang mga pelikula. Kinilala ang pelikula nyang Perfumed Nightmare sa Berlin Film Festival International Critics Award; ang pelikulang Turumba sa Mannheim Film Festival Top Cash Award.

Pinarangalan din sya sa Fukuoka Asian Culture Prize Laureate, Arts and Culture Prize at ang kanyang pelikula na Balikbayan
#1 Memories of Overdevelopment Redux III sa Berlin Film Festival Caligari Award.

Ilan lamang yan sa napakahabang achievements ng itinuring na avant-garde director ng kanyang mga kasamahan sa sining. Mabusisi ang ginawang pagkilatis para sa hihiranging National Artist at ikinatuwa ng kanyang mga tagahanga ang pagkakasama ng kanyang pangalan.

Ang aming pagpupugay sa isang magaling na director, writer, producer, at actor. Malamang, malakas na kidlat ang tatama sa Malacañang sa paghirang sa kanya. Mabuhay ka!

Kikidlat din kaya ang mga Noranians o tatahimik nalang sila? Basta ang sure, Kidlat Tahimik kikilalaning National Artist for Cinema!

(Kidlat Tahimik’s photo from Art Fair Philippines)

Leave a comment