Nick’s new album showcases his versatility

Out na ngayong araw na ito, September 1, sa iba’t-ibang digital platforms like Spotify, Apple Music, iTunes at Google Play ang second album ni Nick Vera Perez na NVP 1.0 NVP 1’s More.

Ang nasabing album ay naglalaman ng 12 original songs. Ang carrier single nito ay ang Laging Ikaw. Ang iba pang songs sa album ay ang Sana Ako Na Lang, Nahuhumaling, Ikaw, Ako, Tayo, Soaring High, I Will Be There, Running Into You, Napamahal Na Ako, Heaven Sent,  Karamay Ka, Spend My Life With You at Laban Lang Tayo. Lahat ng ito ay mula sa komposisyon ni  Adonis Tabanda.

“The album contains filipino and english songs mainly about love. Pero ang twist ng album lahat ng genre nandu’n. Pinapakita nu’n ang versatiltiy ng isang NVP kasi may rock, may ballad, may easy listening, may contemporary, rnb, jazz, ballad at pop,” sabi ni Nick.

“This album is more attractive than the first one. It’s all original songs of Adonis but everytime we collaborate, I tell him, ito yung feelings ko about the songs.  Ito ‘yung mga ideas ko. Inayos niya ‘yung mga words.”

Napakinggan na namin ang lahat ng songs sa 2nd album ng tinaguriang Total International Entertainer at sa totoo, lahat ay magaganda. 

Wala ka talagang itatapon. Masasabi namin na talagang piling-pili ang songs na inilagay sa NVP 1.0 NVP 1’s More.  

Leave a comment