Nick Vera Perez honors entertainment press, announces upcoming projects

Maraming member ng entertainment press ang pumuri kay Nick Vera Perez sa ginawa nito sa kaniyang Homecoming event na ginanap sa Hotel Rembrandt kamakailan. Bukod kasi sa coronation ng NVP World Queen ay nagkaroon din siya ng press conference.

For the first time kasi ang mga inimbitahang press ay binigyan niya ng medalya bilang appreciation sa mga naitulong sa kaniya. Mistulang graduation ang naganap habang sinasabitan niya kami ng medalya. Siya lang at wala nang iba pa ang nakagawa nito. Pangako niya, na sa susunod niyang pag-uwi sa Pinas ay magbubuo siya ng isang event na para sa reporter na tatawagin niya Press Night.

Ang Chicago based singer ay nakatakda ring gumawa ng kaniyang first major concert dto sa ating bansa sa taong 2020. Inaasahan na magiging maganda ito dahil ngayon palang ay pinaghahandaan na niya. Dream niya na makasama sa kaniyang comcert ang kaniyang mga iniidolong sina Martin Nieverra at Ogie Alcasid.

Bukod sa pagiging singer, abala rin si Nick sa  pagha-handle ng talents kung saan itinayo niya ang NVP 1 World. Isa itong talent agency na tumutulong sa mga gustong mangarap at mabigyan ng puwang sa entertainment world. Bagama’t madalas ay nasa Amerika at siya ang punong abala doon ay may sangay naman dito sa Pilipinas ang kaniyang kumpanya na tumututok at namamahala.

Isa pa sa magandang ginagawa ni Nick ay ang kaniyang mga charity programs na kung saan ay nagtayo rin siya ng foundation para makatulong sa mga nangangailangan. Alam niya ang hirap ng buhay sa Pilipinas kaya sinisiguro niya na regular ang kaniyang kawanggawa kahit wala siya sa bansa. Laki rin kasi siya sa hirap kaya nang makaipon at magkapera ay siniguro niya na mag-share siya ng blessings.

Sana nga ay lalo pang magtagumpay ang mga proyekto at mga gagawin pa niya dahil ang isang mabuting tao na tulad niya ay kailangan ng Pilipinas.

Leave a comment