Newest Hanabishi PH face Sarah G talks about being a wife

Aminado ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na maraming binago sa kanya ang pag-aasawa.

Aniya, sa kanyang bagong estado bilang Mrs. Guidicelli, nag-iba ang kanyang prayoridad.

“Siyempre, dumating na ako sa punto na hindi lang ang sarili ko ang iisipin ko.  Being a wife, I get the chance to spend most of my time with my husband. So, I have to tend to his needs,” aniya.

Naging oportunidad din daw ang quarantine period para mas makilala pa nila ang isa’t-isa.

“We’re given enough time to know each other better and I think, iyon ang pinaka-importante dahil nakakapag-adjust kami sa isa’t-isa,” pahayag niya.

Bukod sa pagiging actor, naging bahagi rin daw ng bonding nila ang musika.

“We both share this passion for music kaya  we’re happy to part of the “Pantawid ng Pag-Ibig: At Home Together concert  na ang aim ay makalikom ng pondo para sa pamilyang apektado ng  krisis ng Covid-19,” paliwanag niya.

Hirit pa niya, sana raw hindi ito ang huling pagkakataon na magkaroon ng sila ng duet ng mister.

Si Sarah Geronimo ang napiling bagong brand ambassador ng Hanabishi Philippines, ang pinagkakatiwalaang brand pagdating sa home at kitchen appliances.

Ayon kay Sarah, kung may isa siyang natutunan sa pag-aasawa, ito ay ang maging  matalino at metikulosa  sa mga bagay na kanyang tinatangkilik at binibili.

Aniya, importante raw sa kanya ang kalidad ng isang produkto kaya naman dito sila nagkakasundo ng Hanabishi Philippines.

Sa panahon ng quarantine, proud siyang naipagluluto niya ang kanyang kabiyak na si Matteo Guidicelli kaya kabalikat niya rito ang Hanabishi.

Kamakailan lang, tinanghal siyang “Entertainment Personality of the Year” sa prestihiyosong Akwa-Ibom State Advancement Awards.

Leave a comment