Newest action star Javi Benitez boyfriend material says Sue Ramirez

First time namin ma-interview si Javi Benitez nang dumalaw kami sa set ng pelikulang ‘Kid Alpha One’ under Brightlight Production sa Tanay Rizal last Sunday.

Inabutan namin habang kinukunan ang isang maaksyong eksena na talaga namang napahanga kami dahil hindi nagpa-double si Javi sa scene na ‘yun na kung tutuusin ay pwede naman daw niyang i-request. 

Putikan, sugatan at pagulung-gulong ang eksena. Kahit nakailang take si direk Richard Somes, walang reklamo sa Javi. 

Action movie daw talaga ang gusto ni Javi. He underwent trainings and workshops for the role.

Humarap ang buong cast sa amin at sa

interview ay game na sumagot sina Javi at leading lady nito sa movie na si Sue Ramirez sa aming mga tanong. 

Pareho kasing walang mga karelasyon ang dalawa kaya napupunta sa tuksuhan ang mga tanong namin sa kanila. Nakita rin kasi namin na may chemistry sila. Paano nga ba nila hinandle ang love scene nila sa pelikula.

Kuwento ni Javi, “Siyempre, pinaghandaan ko iyon. First ever lovescene ko iyon sa first movie ko…”

Wala raw top shirt ang baguhang aktor samantalang ang nasabi na lamang ni Sue ay, “it was all fun.”

After Sue’s break up with Joao Constancia at si Javi ay wala namang girlfriend nakakaamoy kami ng something. Iba rin kasi ag mga tinginan ng dalawa kaya naman napatanong kami kay Sue na sa kakaibang tinginan nila at  ano ang magiging reaction niya kapag niligawan siya ni Javi, ang sagot – “Why not!”

Is Javi a boyfriend material? “Yes!”mabilis na sagot ni Sue.

Mutual naman ang sagot nila nang tinanong ang same question kay Javi. Mukhang may mutual admiration sa dalawa na di nakakapagtaka kung mauwi sa mas seryosong relasyon.    

May 3 shooting days pang nalalabi ang ‘Kid Alpha One.’ Kasama rin sa pelikula sina Tonton Gutierrez, Juan Rodrigo, Bryan Revilla, Joross Gamboa, Jeff Tam at iba pa.

Leave a comment