Newbie Benz Sangalang spills secret

Tiniyak ng newbie sexy actor na si Benz Sangalang na maraming pasilip na erotic at maiinit na eksena sa kanilang pelikulang Secrets na palabas na sa Vivamax sa June 10.

Mula sa pamamahala ng premyadong direktor na si Direk Jose Javier Reyes, makikita sa pelikula ang madilim na kuwento hinggil sa sexual experimentation at pagnanasa.

Para sa sexy movie na ito, kinuha ang mga young at daring actors na sina Benz, Janelle Tee, at Denise Esteban, na hindi takot ipakita ang lahat para sa kanilang mga role. At ang seasoned actor na si Felix Roco ang kumumpleto sa all-out, no holds barred cast ng pelikula.

Proud si Benz ibalandra ang kanyang kahubaran dito dahil pinagtrabahuhan niya ang magandang pangangatawan na masisilip dito, sa pamamagitan ng pag-eensayo sa gym at pagda-diet.

Ano ang mga kaabang-abang na pampa-init at erotic scenes sa movie nilang Secerets?

“Ang aabangan po nila rito iyong sikreto ko po, hehehe. Pero hindi ko po masabi talaga, dahil mai-spoil iyong movie, hahaha!” Nakatawang saad ni Benz.

Mag-eenjoy ba ang mga bading, matrona, at barako sa makikita sa kanilang pelikula? 

Nakangising saad ng hunk actor, “For sure po na maraming mag-eenjoy dahil halos palagi kaming nakahubad dito, marami talagang nude scenes na masisilip sila sa movie namin at wild din kasi sina Janelle at Denise dito.”

Kamusta ang love scene nila ni Janelle rito? “Bale, romantic po iyong aming pinaka-bed scene, compare sa ibang Vivamax movies na wild. Pero daring po siya at siyempre ay pampagana sa mga barako ito kapag napanood nila.

“Masasabi ko rin na passionate po ang love scene namin ni Janelle, kumbaga ay may paggalang pero sensual pa rin po talaga,” aniya pa.

Makikita sa pelikula na gustong ayusin nina Janine (Janelle) at Christian (Benz) ang mga problema sa kanilang relasyon. Kaya tumakas sila sa siyudad at magpupunta sa isang isolated beach house na pagmamay-ari ng kanilang kaibigan, at inaalagaan ng mag-asawang Rading at Elena.

Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, may isa pang guest sa beach house-si Leo (Felix), ang pamangkin ni Elena na isang engineer sa Middle East at sandaling nagbabakasyon.

Bumalik si Leo sa beach house upang makita ulit ang kanyang fuck buddy na si Felina (Denise), isang waitress sa isang resort. Sa umpisa pa lang ay hindi na gusto ni Janine si Leo, dahil may kutob ito na delikadong tao si Leo. Tuso at mapaglaro si Leo.

Hinihikayat niya ang kahit na sino para sa sarili niyang kaligayahan. Ang hindi nila alam, unti-unti na silang nahuhulog sa patibong ni Leo.

Samantala, nadoble ang excitement ni Benz nang ibinalita ng manager niyang si Jojo Veloso na this week na ang simula ng paggiling ng kamera sa follow-up movie niya na ipinangako sa kanya ni Boss Vic del Rosario.

Ito ang Sitio Diablo ni Direk Roman Perez Jr. na pagbibidahan ng kanyang kapatid sa Philmoda na si AJ Raval. Si Kiko Estrada ang magiging lead actor dito.

Ano ang reaction niya na may action film na siyang gagawin sa Vivamax?

“Sa totoo lang, sobrang saya po siyempre dahil kahit paano mapapatunayan ko na versatile actor ako. Na hindi lang sa pagpapa-sexy ako puwede, kundi maging sa action at kontrabida role,” masayang saad pa ni Benz.

Leave a comment