Newbie actor Vance Larena wants to work with Arci Muñoz

Unti-unti nang nakikila sa mainstream showbiz si Vance Larena. Unang nakilala bilang theatre actor pero ngayon ay visible na sa movies at tv.  Ilan na sa mga nagawa niyang pelikula ay  Liway (2018), So Connected (2018) at Bakwit Boys na dito ay nakilala at napansin ang batang aktor. 

Sa pamamagitan nga ng naturang pelikula ay nagkaroon siya ng pagkakataon na lumabas sa mga show ng ABS-CBN na Ipaglaban Mo at Maalala Mo Kaya. 

Kung tutuusin, napakabilis ng pag-angat niya dahil regular na siyang napapanood sa hit series na Nang Ngumiti Ang Langit ng Dos. 

Masaya siya siyempre sa magandang kaganapan sa kaniyang karera. Pero hindi pa rin niya nakakalimutan kung saan siya nagsimula at ito nga ang teatro. 

“Sobrang happy po ako at tuluy-tuloy po ang mga projects. Nagpapasalamat po ako sa mga tao na tumutulong at sumusuporta sa akin lalo na po ang T-Rex,” sey ni Vance nang makapanayam namin kamakailan. 

Sa ngayon, pinagbubuti ng binata ang pagtatrabaho at gusto niyang makaipon ng pera para makapagpagawa ng bahay. Gusto niya na maging masinop sa kaniyang kinikita lalo na ngayon na may mga gastusin siya kabilang na rito ang hinuhulugan niyang sasakyan. 

Isa sa mga pangarap niya na makatrabaho ay si Arci Munoz dahil crush daw niya ang dalaga. Gusto rin niyang makatrabaho ang mga batikang direktor gaya ni Joel Lamangan.

Leave a comment