Newbie actor Miko Gallardo wants to work with Ivana Alawi

Sa guesting ni Miko Gallardo sa show namin sa Kumu na Pito Ito..Iba Ito, ikinwento niya ang role niya sa BL series na pinagbibidahan nila ni Aki Torres, na “My Day.”

Sabi ni Miko, “Ako po rito si Sky. A hardworking culinary intern na nagtatrabaho sa isang malaking food company. Dito ko makikilala ang aking boss na si Ace (Aki) at doon na magsisimula ang kwento namin.”

Bakit niya tinanggap ang project na ito considering na it’s a BL series? Hindi ba siya nagdalawang isip?

“Why not,” sagot niya.

“Wala rin naman akong ginagawa masyado kasi pandemic and need din ng work. Nabasa ko naman ‘yung story, maganda naman at challenging.”

Ikinwento rin ni Miko ang challenges na pinagdaanan nila while taping the said series.

“Tulungan talaga kami sa set. Because of the protocols maraming restrictions at kailangan sundin kaya kakaunti lang talaga ‘yung staff sa taping. 

“Kami mismong mga artista, tumutulong na rin.

“Like me may mga scenes na tumutulong na ako sa pag-i-edit at minsan nagkakamera. Tinutulungan ko na si direk para mapabilis din kami.”

Ano ‘yung pinaka-challenge sa kanya while taping My Day?

“We have no script. Binabato lang sa amin ‘yung flow ng story and then kami na bahala magbato ng dialogue.” 

Si Miko ay produkto ng Bidaman ng It’s Showtime. Hindi man siya ang naging Grand Winner rito, pero maganda naman ang takbo ng kanyang career at may kontrata pa sa Regal Films.

“I’m thankful, pero lahat naman kami may kani kaniyang path. May mga singers, songwriters like John Padilla and Johannes Rissler.”

Given a chance na magkaroon  ng launching movie, sino ang gusto niyang makapareha at sino naman gusto niyang maka-loveteam?

Makapareha sa movie, si Lovi Poe and as a loveteam, si Ivana,” sagot ni Miko.

Kaya ang dalawa ang napili ng gwapong binata, ay dahil ang tipo niyang babae ay morena beauty.

Kinwento rin ni Miko na hindi madali ang sitwasyon niya ngayon dahil sa pandemya. Ang pamilya kasi niya ay nakatira sa Dubai at matagal na siyang hindi nakakauwi. 

“Pero ang ginagawa ko namang pagtatrabaho ay para sa aking pamilya.”

Leave a comment