New age best actress Charlie Dizon tells her mom not to watch ‘Fan Girl’

Sa katatapos lang na 46th Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal, na ginanap noong Linggo ng gabi, December 27, ay big winner ang Fan Girl mula sa Black Sheep.

Na-sweep ng nasabing pelikula ang Best Picture, at Best Director para kay Antoinette Jadaone. Tawa nang tawa ang lady director sa pagkapanalo niya.

Nagtatalon naman sa galak si Direk Dan Villegas, ang fiancé ni Direk Antoinette at isa sa producers ng Fan Girl.

Bukod sa Best Director ay nasungkit din ni Direk Antoinette ang Best Sceenplay. Ang bida naman sa pelikula na si Charlie Dizon ang tinanghal na Best Actress.

Sa kanyang acceptance speech, unang pinasalamatan ni Charlie ang Panginoon. Special mention niya si Iza Calzado, si Paulo Avelino, na leading man ni Charlie ang wagi naman bilang Best Actor.

Sa kanyang acceptance speech, inalay niya ang award kay Aki, na anak nila ng ex-girllfriend na si LJ Reyes.

Bukod sa five major awards, nakamit din ng Fan Girl ang apat pang parangal. Ito ay ang Best Cinematography (Neil Daza), Best Editing (Benjamin Tolentino), Best Sound (Vincent Villa), at 3rd place bilang Best Virtual Float. 

After winning, kinabukasan ay nagkaroon ng digital blog conference para kina Direk Antoinette, Paulo at Charlie. Kinuha ang reaksyon nila sa pagkapanalo ng Fan Girl bilang Best Picture.

Sabi ni Paulo, “Happy! Very happy ako para kay Direk Tonette at sa buong team. Kasi Best Picture yan. Overall, kasama na lahat diyan pati technical.”

Reaksyon naman ni Direk Antoinette, “Congrats to us! Thank you po sa MMFF juries.”

Sabi niya, “Sobrang saya ko siyempre sa lahat ng nangyayari sa akin. As in, eto ‘yung gusto kong mangyari talaga. Pero hindi ko ini-expect na ibibigay siya agad sa akin. Masaya ako siyempre, kasi ‘yung parents ko po, as in  nu’ng pag uwi ko kagabi, actually katatapos pa lang nu’ng awards night, nu’ng tumawag sila agad sa akin pareho. First time kong narinig talaga na proud na proud sila. Kaya masayang masaya po ako.”

Napanood na ba nila ang Fan Girl? 

Si Charlie ay pinasalamatan din ang mga hurado. At sobrang saya niya lalo, nang siya ang tanghaling Best Actress.

‘Hindi pa po,” natatawang sagot ni Charlie. 

“Kinakabahan po ako sa totoo lang. Sinasabi ko sa mommy ko na huwag niyang panoorin,” aniya pa na muling natatawa.

May mga intimate scenes kasi si Charlie with Paulo sa pelikula. Kaya hanggat maaari ay ayaw niyang ipanood ito sa kanyang ina. Nahihiya kasi siya.

Leave a comment