by PSR News Bureau

Binuweltahan si Vice Ganda at nakatanggap ito ng maraming batikos mula sa netizens dahil sa pagkokomento ng TV host sa mga sinabi ni Rep. Manny Pacquiao. Ayon sa ilang netizens, nagpapaka-ipokrito raw ang TV host at wala daw ipinagkaiba ang ginawa ni Pacquiao sa dating ginawa nito sa news anchor na si Jessica Soho nang hayagan niyang laitin ito at ginawan ng katatawanan dati dahilan sa katabaan nito sa naging concert niya dati.
Lately kasi ay maraming maaanghang na salita ang sinasabi ni Vice sa social media. May ilang bashers tuloy na pinagmumura si Vice dahil dito. Ayon sa ibang kumakampi kay Pacquiao, wala umanong karapatan si Vice na kuwestiyunin ito ukol sa isyu ng kabaklaan dahil kaniya-kaniya daw paniniwala iyan. Si Vice nga daw ay sobra-sobra kung maglait at mang-okray ng tao dahilan para ikapahiya nito. Ginagawa rin ito ni Vice sa mismong tanghaliang programa niyang “It’s Showtime!.” In fact, mayroong kumakalat na isang open letter para kay Vice sa social media kung saan naglalaman ito ng naging isyu na ginawa ni Vice kay Jessica Soho dati. Sabi sa sulat ng isang C.N. Sato: “Vice Ganda, do you remember when you compared Ms. Jessica Soho to a pig? You offended many plus-sized people.”
“Ms. Soho responded in a very professional way by releasing a statement addressing the issue. Nag-sorry ka but in a way na hinhingi mo ang simpatiya ng mga tao.”
“Now Manny Pacquiao made a statement saying the LGBTs are worst than animal. You were offended, maraming tao rin ang nasaktan. You initiated the hashtag #PrayForMannyPacquaio and told everyone to not vote him.
“Manny apologizes for the words he uses pero pinanindigan pa din ang pinapaniwalaan niya. Now let’s see the bigger picture here, I, myself is Pro LGBT.”
“I know Manny made a mistake but who do you think is the real person here? You criticizing others while all of your jokes are below the belt?”

Bilang tugon ni Vice sa lahat ng bashers, “A joke of a comedian is different from a statement of a ‘politician.’ So why take a joke seriously and take a serious statement as a joke?”
Dagdag pa nito: “I am not the issue, This is not about me. It is about a serious remark that affects the entire LGBT community. Don’t divert the issue. Work muna ako ullit. Pero bago ako mag-work may tanong ako. Sino dito ang sumusunod sa LAHAT ng sinasabi ng Bibliya? Taas ang kamay. Ok Bye!”