Lalong naging star-studded ang BeauteDerm family sa pagpasok ng top-notch actor na si Piolo Pascual.
Muli ngang binulaga ng Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ang marami nang ianunsiyong si Piolo ang latest addition sa patuloy na lumalagong roster of stars nito.
Sa ngayon, ang celebrity endorsers/ambassadors ng Beautederm ay kinabibilangan nina Ms. Sylvia Sanchez, Marian Rivera, Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Christopher de Leon, Carlo Aquino, Arjo Atayde, Jestoni Alarcon, Glydel Mercado, Tonton Gutierrez, Korina Sanchez.
Kasali rin dito sina Darren Espanto, Ejay Falcon, Enchong Dee, Pauline Mendoza, Ryle Santiago, Jane Oineza, Ria Atayde, Ken Chan, Rita Daniela, Sanya Lopez, Camille Prats, Sherilyn Reyes-Tan, Bulacan Board Member Alex Castro, Maricel Morales, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Alma Concepcion, Dessa, Anne Feo, Kitkat, Alynna Velasquez, Luke Mejares, Jessa Zaragoza, at iba pa.
Tunay na pasabog ang ikatlong quarter ng taon sa bakuran ng Beautéderm Corporation na isang milestone na maituturing, sa pormal na pagsalubong kay Piolo bilang latest celebrity brand ambassador.
Minamarkahan ng taong 2020 ang 11th anniversary ng Beautéderm bilang isa sa major key players ng beauty and wellness industry sa bansa at ang pagsali ni Piolo bilang ambassador ng brand ay isa sa mga bigating sorpresa na inihanda ng kompanya para sa loyal customers, resellers, at distributors nito ngayong taon.
Ang lady boss ng Beautéderm na si Ms. Rhea, na pinangaralan ng People Asia magazine sa prestihiyosong roster ng taunang “Women of Style and Substance” issue nitong September, ay sobra ang ligaya na bahagi na ang award-winning actor ng kompanyang kanyang itinatag 11 years ago.
“Nasa bucket list ko na si Piolo magmula noong sinimulan ko ang kompanya noong 2009,” sambit ni Ms. Rhea.
Dagdag pa niya, “With hard work, careful planning, and prayers nagkatotoo na ang aking pangarap to have him as one of my ambassadors. I have always admired his body of work as one of the most accomplished and respected artists in the industry.”
Si Piolo na very active at healthy ang lifestyle ay ine-endorse ang Beau Charcoal Soap mula sa Spruce & Dashmen’s line ng brand – isang best-seller at paboritong produkto ng libo-libong consumers.

FDA notified at certified Superbrands bath soap ang Beau. Nagde-detoxify at nag-e-exfoliate ito habang nagbibigay ng clean, fresh, at delicious scent lalo na sa mga kalalakihang busy, na laging on the go gaya ni Piolo.
“Longtime user ang kapatid kong babae ng Beautéderm products, marami na akong nabasa tungkol sa brand, at nakakarinig ako ng positive feedback tungkol sa brand mula sa aking mga kasamahan sa trabaho.
“Daily essential para sa akin ang Beau as it truly delivers its promises –relaxed, energized, at rejuvenated ako tuwing nagsha-shower ako after a long day,” saad ni Piolo.
Nagpapasalamat din si Ms. Rhea sa patuloy na suporta ng mga loyal Beautéderm users sa gitna ng pandemya.
“Patuloy kaming magiging faithful sa aming commitment na pagsilbihan di lamang ang aming users kungdi pati na rin ang aming resellers at distributors sa paged-develop ng mga produktong mataas ang kalidad. We have partnered with Piolo dahil marami kaming similarities and chief among them is our unrelenting passion for excellence. Humbled kami na bahagi na siya ng aming pamilya.”
Si Piolo naman na isa ring negosyante, ay inspired sa business model ng Beautéderm.
“Nakakatuwang malaman na madaming tao kasama na ang kanilang mga pamilya ang natutulungan ng brand dahil sa business opportunities na naibibigay nito sa mga resellers at distributors sa buong bansa. Their sales force is one of the most hard-working teams I’ve ever seen and I am honored to be part of Beautéderm.”
Para sa mga exciting na balita at lahat ng mga hottest updates ukol sa Beautéderm at kay Piolo, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook, at mag-subscribe sa BeautédermTV sa YouTube.