Myrtle torn between Cruz brothers

Sino kaya ang pipiliin ni Myrtle Sarrosa sa Cruz brothers na sina Rodjun at Rayver?

Ito ang dapat abangan sa upcoming episode ng Tadhana na pagbibidahan ng tatlong Kapuso stars.

Sa kuwento, mapagmahal na asawa si Mona na gagampanan ni Myrtle. Long distance ang relasyon niya at ni Diego (Rodjun) na isang OFW.

Sa pag-aasikaso ng kanyang maliit na bakery, katulong ni Mona ang kapatid ni Diego na si Natoy (Rayver).

Isang araw ay nasunog ang pinapasukang factory ni Diego at isa siya sa mga napabalitang nasawi mula rito.

Mula noon, si Natoy na ang nagiging kasama ni Mona sa pagharap sa lungkot ng pagkawala ng kanyang asawa, hanggang sa tuluyan nang nahulog ang loob nila sa isa’t isa.  

Pero paano kung biglang bumalik si Diego sa kanilang mga buhay? Aaminin kaya ni Mona ang relasyon niya sa utol ng asawa o mananatili itong lihim?

Exciting ang episode na ito ng Tadhana, hosted by Marian Rivera, kaya tutok na ngayong Sabado (January 9), 3:15 p.m. sa GMA Network.

Leave a comment