‘MPK’ features 3 colorful, fun women portrayed by Melanie, Maria Isabel, Sandy

Ngayong Sabado (August 22), tampok muli sa ‘Magpakailanman’ ang kuwento ng viral na patalbugan ng tatlong babae sa isang zumba session sa Angono, Rizal.

Ang magkakaibigang sina Vilma, Helen, at Liezl na sa likod ng kwela at masayang video ay may kani-kaniyang mabigat na problemang hinaharap. 

Bibida sa episode na ito ang mahuhusay na aktres na sina Melanie Marquez, Maria Isabel Lopez, at Sandy Andolong. Mula naman ito sa direksyon ni Rechie del Carmen.

Alamin ang makulay na kuwento nina Vilma, Helen at Liezl na nakilala bilang “Pretty Titas of Zumba” sa ‘Magpakailanman’ ngayong Sabado, pagkatapos ng Pepito Manaloto, sa GMA-7.

Leave a comment