More sexy roles for newly-signed Kapamilyas Ivana, Tony

Nadagdagan na naman ang mga kilalang personalidad na nagtitiwala sa ABS-CBN.

Opisyal nang Kapamilya ang  tatlong promising actors na sina Ivana Alawi, Tony Labrusca, at Donny Pangilinan matapos pumirma ng kani-kanilang kontrata sa Kapamilya network kamakailan. 

Ani Ivana, na napanood sa FPJ’s Ang Probinsiyano, noon pa man ay pinangarap na niyang mapanood sa numero-unong network sa bansa. “Isa itong dream come true. Matagal ko nang gustong maging parte ng network na ito, at ito na ang araw na ‘yun.” 

Bukod sa kanyang gagawing teleserye, pumirma rin ng kontrata ang sexy actress sa Star Cinema at sa Star Music.

Samantala, nagbigay naman ng patikim ang James & Pat & Dave star na si Donny Pangilinan ukol sa mga proyektong kanyang ginagawa ngayong taon, kabilang ang isang bagong music release na kanyang inilarawan bilang “naiiba sa kanyang mga nailabas noon.” 

Tungkol naman sa  genre ng pelikula at teleserye na nais niyang gawin ngayong 2020, gusto raw niyang subukan ang mag-aksyon. 

Hindi rin paaawat ang isa sa hottest actors in town na si  Tony Labrusca.

Isang horror movie, bagong teleserye, at isang iWant Originals series kasama si Julia Barretto; ilan lamang ito sa mga proyektong nakahanay ngayong  taon para kay Tony. 

Muli silang magsasama ng beteranang aktres na si Angel Aquino kasama si Julia Barretto sa isang proyekto na tulad ng “Glorious” ay tiyak na susubaybayan at pag-uusapan.

Hamon niya:  “Makikita niyo na lang, at kayo na ang bahalang humusga.”

Dumalo sa pirmahan ng kontrata sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak, chief operating officer ng broadcast Cory Vidanes, TV production head Laurenti Dyogi, head ng films productions na si Olivia Lamasan, head ng ABS-CBN music na si Roxy Liquigan, head ng treasury na si Rick Tan, head ng finance operations na si Catherine Lopez, at head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal.

Leave a comment