Mommy Dionisia Pacquiao angry at Floyd Mayweather

Antazo PSR pic
by Mary Rose Antazo

mommy-dionisia-pacquiaoSa katatapos na ‘Fight of the Century’ nina Floyd Mayweather at Manny Pacquiao noong May 3 sa Las Vegas kung saan nagwagi via unanimous decision si Mayweather, isa sa inabangang magbibigay ng kanyang reaksyon ay ang ina ni Manny na si Mommy Dionisia Pacquiao. Halatang dismayado si Mommy D gaya ng halos lahat ng Pinoy sa naging resulta ng labanang ito. Gusto na nga niyang magretiro na ang kanyang anak dahil wala na naman itong dapat pang patunayan pa sa larangan ng boxing.

Sa interview kay Mommy D ni Ms. Dyan Castillejo ng ‘ABS-CBN News,’ sinabi nitong gusto na niyang tumigil na sa pagbo-boksing ang anak.

“Para sa akin, retiro na siya. Alam ko na hindi sila papayag matalo. Ganyan ang ugali nila. Ang ginawa ni Mayweather, runner. Parang daga siya,” pahayag ni Mommy D sa interview.

Pero ganu’n pa man ang nangyari sa laban, nakaramdam pa rin ng kasiyahan ang ina ni Manny dahil naniniwala siya na sa puso ng mga Filipino ay si Manny ang nagwagi.

“Ang lahat ng mga kapwa Pilipino, kahit hindi Pilipino, narinig ko sabi ‘Ikaw pa rin, Manny.’ May Mexicano din na kumausap sa amin na sinabi na si Manny pa rin ang kampeon nila.”

“Relaks lang kayong mga Pinoy at sa mga umiidolo sa anak ko. Natalo man ang ating boxer sa ring, sa puso ninyo, hindi pa talo. Sa puso natin hindi siya talo. Mahal na mahal natin siya. Siya ang panalo sa itaas,” sambit pa ni Mommy Dionisia.

Samantala, sa panayam naman niya sa programang ‘Unang Hirit’ ay patuloy pa rin itong naghihimutok sa pagkatalo at sinabi nitong “Sa nakita ko kagabi, hindi mabuting labanan itong ipinakita sa buong bansa. Ako mismo nakakita, pagsuntok ng anak ko, lumipad si Mayweather.”

“Malakas si Manny, pero hindi lang niya napabagsak yun sa Round 1 hanggang sa [Rounds] 11-12.”
Lagi rin daw kinakalmot ni Mayweather ang anak at panay ang iyak nito sa kanyang anak na parang bakla.

“Pagsuntok nga ng kamay, parang bayot. Habang nagdasal ako sa upuan ko, may narinig ako, ‘Bakla, parang babae ka sumuntok.”

Hindi rin daw siya natatakot sabihing galit siya talaga kay Mayweather dahil sa ‘maruming’ paglalaro nito sa ring.

“Nagalit ako kasi marungis siya [maglaro]. Paano, paggalaw, ‘di makasuntok si Manny, yakapin niya.Niyakap niya ang kamay para ‘di [makasuntok].”

“Sa likod nakita ko talaga ang kamao ni Mayweather, ganun [nagmuwestra ng pagsuntok] ang likod ng anak ko.”
Mayroon din daw siyang nakitang mali sa ginawa ng referee dahil hindi niya ito tinawagan ng foul.

“Foul ‘yan, foul… pero walang record sa kanilang nilagay na foul ‘to.”
At kung bibigyan daw niya ng mensahe si Mayweather ay ito ang kanyang sasabihin…

“Nanalo ka sa daya mo. Nanalo ka, Mayweather, sa daya ninyo.”
Naitanong din sa kanya kung gusto pa ba niyang magkaroon ng rematch ang anak at si Mayweather?

“Sa isip ko, kung nanalo, matalo, nasa isipan ko huminto na sana siya.Ipaabot ko lang lahat ng Pinoy sa buong mundo, hindi lang sa Philippines, kahit dito sa US, yung mga nag-idolo ng anak ko, walang problema kahit natalo nila sa ring ang anak ko, panalo siya sa puso.Hindi katulad ni Floyd Mayweather, walang puso,” mensahe pa ni Mommy Dionisia.

Leave a comment