Miles Ocampo possessed in Maledicto; director to the rescue

Ayon kay Miles Ocampo, ang role niya sa horror film na Maledicto ang masasabi niyang pinaka-challenging na nagawa niya so far. 

Ginagampanan ni Miles ang papel bilang si Agnes, na isa sa mga na-possess sa nasabing pelikula. Iba raw ang role ni Miles. Bagay na bago para sa kaniya.

“Karamihan kasi ng ginagawa ko romcom, comedy, drama. Ito kasi, grabe ‘yung intense, emotionally, physically, mentally and spirtually,” sabi ni Miles.

Patuloy niya, “Kasi syempre, matatakot ka rin po. I’m very happy na si direk Mark (Meily) ang direktor namin kasi talagang ginuide niya ako kasi syempre kapag napo-possess ang isang tao hindi naman po siya the usual na nangyayari sa paligid mo o wala ka naman talagang kakilala nagkakaganon so isolated ka lang sa mga horror series na nakikita mo lang sa TV.

“So yung binigay yung eksena sumigaw sigaw ako sabi ni direk Mark, hindi dun ka muna sa level 6 para kapag nandun ka na sa sasapian ka na meron ka pang mabibigay.”

Excited daw si Miles sa pelikulang ito dahil so far this is her biggest break.

Si Miles lang ang Kapamilya artist sa Maledicto, dahil halos lahat ng kasama niya sa nasabing pelikula ay Kapuso stars. Bagay na natutuwa raw siya.

“Buti nga po may mga mga ganitong pelikula na dahil we get to work to other stars na nasa ibang network. Niloloko nga po nila ako kasi sila magkakasama mag-promote, ako mag-isa lang.  It’s healthy kasi hindi tayo nakakahon sa madalas na nating nakikita o nakakatrabaho.”

Posible din kayang lumipat si Miles ng ibang network?

“Kung san po may trabaho dun po tayo, maikli niyang sagot.”

Maledicto is the first locally-produced film by Fox Networks Group Philippines, co-produced by Cignal Entertainment and Unitel. Opens May 1 in cinemas nationwide.

Leave a comment