Mike Magat blessed with projects, continues directing films

Hindi man bida sa pelikula at telebisyon ay patuloy pa rin si Mike Magat sa kaniyang karera bilang artista at hindi nawawalan ng projects. 

Kabi-kabila ang kaniyang proyekto sa telebisyon. Katatapos lang ng partisipasyon niya sa  FPJ’s Ang Probinsiyano ni Coco Martin ay mayroon na itong kasunod na hindi pa puwedeng isulat. 

Isa sa masasabing puhunan niya kung bakit hanggang ngayon ay may career siya ay ang maganda nitong pakikisama hindi lamang sa kapuwa niya artista kundi sa mga staff and crew na nakakasama niya sa mga proyektong ginagawa niya. Kabilang din rito ang pagmamahal niya sa kaniyang trabaho. 

“Dapat mahal mo ‘yung ginagawa mo kasi kapag hindi ay magtatampo iyan kaya ako kapag trabaho, ibinibigay ko ang best ko,” sabi niya nang makapanayam namin kamakailan. 

“Siyempre dapat marunong ka ring makisama hindi lamang sa mga artistang nakakatrabaho mo maski sa mga crew at staff. Sila kasi yung nagpapakahirap para mabuo ang isang project,” dagdag niya. 

Bukod sa pag-aartista ay pinasok na rin ng aktor ang pagdi-direk. Ilang pelikula na rin ang kinilala at binigyan ng award sa mga international film festival. Sa ngayon, may mga pelikula siyang ginagawa bilang direktor gaya ng Katorse at Turista. Sa kuwento niya, malapit nang matapos ang mga pelikulang nabanggit. Abala rin si Mike bilang endorser ng Blackseed soap and shampoo.

Leave a comment