Mikael Daez shares painful experience from condo robbery

Isa raw sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay ni ‘Love of my Life’ actor Mikael Daez ang malooban ang dating condo unit nila ng kanyang kapatid.

Sa latest episode ng podcast nina Mikael at Megan Young na #BehindRelationshipGoals, pinag-usapan ng dalawa ang pros at cons ng paninirahan sa condo laban sa bahay.

Ilan sa mga natalakay ng mag-asawa ang maintenance, convenience, cleanliness, security at iba pa.

Speaking of security, hindi naiwasan ni Mikael na ikuwento ang sinapit na karanasan nang minsang manakawan ang dating condo unit nila ng kapatid na si Nicky sa Katipunan.

Aniya, “This was one of my most painful, one of my first extremely painful events after college. So we were living on the second floor of the condo, me and my brother. We had just invested in some production equipment which was very expensive. So we were renting it out, ‘yun ‘yung parang side hustle namin.”

“It was my fault and I’m sorry Nicky, it was my fault. I forgot to check the windows because I never ever had to check windows before. I left the condo and when my brother and I got back, all our stuff was missing.”

Wala raw ibang nagawa sina Mikael at kanyang kapatid kung hindi maiyak na lang matapos ma-realize ang nangyari. Sey pa ng aktor, masakit daw dahil halos buong investment nila ang natangay sa isang iglap lang. 

Samantala, naghahanda na rin sina Mikael at ang buong cast and crew ng GMA series na ‘Love of my Life’ sa kanilang nalalapit na lock-in taping. 

Leave a comment