Miguel Villasis has the “face,” releases single “Date Tayo”

Talented ang newbie artist at runner up sa Face Of The Year 2018 na si Miguel Villasis na nag-release ng kanyang debut single na “Date Tayo” under PSRstudios. Malakas ang kanyang dating at artistang artista ang features nya. 

Ang “Date Tayo” ay malapit nang maging available sa Spotify at iTunes. Isinulat ito ni CK David. May mga linya rin sa kanta na mismong si Miguel ang sumulat. O, di ba talented? Sa pagkanta, R&B ang genre nya at gustong tuluran ang idol nyang si James Reid pagdating sa pagpeperform. Nagrarap din ang binata.

Kahit na may angking kagwapuhan, makikita pa rin sa kanyang kilos ang pagiging magalang at marespeto. Marami kasing mga newbie artist na mga gwapo na walang respeto. Isa ‘yun sa magandang ugali ni Miguel.

Si Jericho Rosales naman ang idolo nya pagdating sa pag arte dahil sa pagiging natural nito. Sabi nya, matagal na nyang pinapanood si Jericho, maging ang bagong serye nitong “Halik.” 

Sa katunayan, may tinatapos syang short film titled “Two Strings Down” at mismong ang kanyang awitin ang gagamitin sa pelikula. Sa HongKong sila nag shoot na produced din ng PSRstudios.

Dating basketball player ang newbie artist sa Trinity University of Asia ngunit mas nahanap ang sarili sa showbiz. Ngayon ay focused sya sa kanyang career bilang isang singer-actor. Pero hindi naman pinapabayaan ang pag-aarap sa nasabing university. Sa katunayan, malapit na syang magtapos sa kolehiyo bilang Marketing student.

Marami pang dapat abangan sa uprising singer-actor. Ngayon ay dapat nyong pakinggan ang single na “Date Tayo.” Ang tanging maipapayo namin kay Miguel ay tyaga dahip ganun naman talaga, it starts from there. Grab the opportunities! At kapag sikat na, huwag makakalimot!

Leave a comment