Migo Adecer misses his family in Australia

Masaya ang Kapuso actor na si Migo Adecer na inaalagaan ng GMA ang kanyang showbiz career.

Na kahit nga may pandemya dahil sa coronavirus, tuloy ang trabaho ni Migo dahil sa Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday.

“Well, I’m just happy na relevant ako at meron akong bagay na puwede ma-sell ng GMA, para I can give back to them din, not just them giving to me at wala akong silbi.

“Puwede rin akong mag-represent ng GMA sa mga roles na ‘to, at  alam ko naman na maganda yung teleserye pag maganda yung trabaho ng lahat ng artista dun sa teleserye. 

“Ibig sabihin you are only strongest or the weakest link, so ayokong maging weakest link,” pahayag ni Migo in one of our recent interviews with him.

At ang mga nakakasama niya sa mga proyekto sa Kapuso Network ay mga prinsesa ng GMA; una ay ang My Love From The Star kung saan gumanap siya bilang nakababatang kapatid ni Jennylyn Mercado, sumunod ang The One That Got Away kung saan nakatrabaho niya sina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos, na sinundan naman ng Sahaya with Bianca Umali at ngayon nga ay sina Barbie Forteza naman ang kasama niya sa Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday.

“Yun nga, nagulat talaga ako na si Barbie ‘yung partner ko dahil…as in hindi talaga kami close, I mean, acquaintances lang, like kilala namin ‘yung isa’t-isa, hindi naman sa, ‘Uy kamusta, anong mga nangyayari sa buhay mo?’

“Parang ganun, wala, hi-hello lang, ganun. So I’m happy na through shows like this I can make more friends and get to know more of our Kapuso artists, so when we say na Kapuso kami, family din kami, so through this not only can I gain a friend but also learn, kasi alam ko naman ‘yung parang motto ni Barbie na parang ‘work is life.’

“So ‘yung work ethic niya maganda, so maybe there’s something I can learn that would make me love my job more from a person who’s been in the industry for so long and does the hardest roles I can think of.”

Bukod kina Migo (bilang Cocoy) at Barbie (bilang Ginalyn) ay bida sa Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday na magtatapos na sa ere ngayong linggong ito sina Kate Valdez (bilang Caitlyn), Snooky Serna (bilang Amy), Jay Manalo (bilang Joaquin) at Dina Bonnevie (bilang Sussie).

Sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz, napapanood ito pagkatapos ng  24 Oras.

Solong namumuhay si Migo dito sa Pilipinas; sa Australia nakatira ang buong pamilya niya, at alam niyang nakasuporta palagi sa kanya ang pamilya niya kahit hindi niya kasama ang mga ito.

Nami-miss na niya ang pamilya niya.

“Of course missing my family will always be there pero with my family not being here sa Pilipinas, has allowed me to grow faster and become more mature and actually thankful po ako diyan dahil because I matured faster, naging maayos na yung trabaho at naging happy ang mga boss ko.”

Ano ang dahilan ng pagma-mature niya?

“Wala… age, I think it’s just, you know, thru time, after a while I realize myself na parang this is my body, why am I trying to give myself a hard time.

“I could be my bestfriend or I can be my worst enemy, so I decided  to be my bestfriend.”

Leave a comment