Michael V tests positive for COVID-19; netizens send prayers

Sa kanyang latest YouTube vlog, kinumpirma ng Kapuso star na si Michael V. na siya ay COVID-19 positive.

Ayon kay Bitoy, nakaramdam siya ng flu-like symptoms noong mga nakaraang araw na sinubukan niyang mag-vlog, “Siyempre nag-isolate na kaagad ako, nag-quarantine na kaagad ako. I took medicine nagpa-check up ako sa doctor online. I got better the following day.”

Mayroon daw siyang naramdamamg weird sensation sa kanyang nasal area at nawala ang kanyang panlasa at pang-amoy.

Kwento pa niya, strict ang kanilang pamilya pagdating sa safety protocols at social distancing at nakasuot pa sila ng PPEs tuwing lumalabas. 

Dahil sa kanyang mga nararamdaman, nagdesisyon siya at kanyang asawa na magpa-test na sa ospital.

At doon nila nakumpirma na siya ay tinamaan ng virus.

Aniya, “So BSS that’s it. Positive, just as what we suspected early on. Alam kong hindi normal ‘yung nawala ‘yung pang-amoy ko and I was counting may kinalaman ‘yun sa COVID. Pero I was also praying na sana wala, sana allergy lang or something. But it turns out yeah. Itutuloy lang natin ‘yung mga sinabi sa atin na mga kailangan gawin and we’ll get through this.”

Agad namang bumuhos ang suporta at panalangin mula sa kanyang fans at kapwa celebrities para sa kanyang paggaling. 

Positibo naman si Bitoy na malalampasan niya ang kinakaharap na pagsubok. 

Leave a comment