Michael de Mesa all praises for ‘Marineros’ director Anthony Hernandez

Puring-puri ni Michael de Mesa ang direktor ng Marineros na si Anthony Hernandez. Sa katunayan, marami siyang magagandang salita na sinasabi sa baguhang direktor. Isa na rito ang pagiging cool daw nito sa set at marunong tumanggap ng suggestion. Isa pa ang pagiging mabait daw nito at marespeto. 

Dahil dito, umaasa pa rin ang mahusay na aktor na makatrabahong muli si Direk Anthony at maulit muli ang pagsasama nila. Sa parte naman ng direktor, sinabi niyang napaka-professional niya, on time palagi at ready na pagdating sa set ay handa na. 

Noong una ay medyo hesitant siya at hindi niya alam kung paano ia-approach pero agad sila nakapalagayan ng loob dahil mabait daw si Michael. Hindi niya inakala na ang malaking artistang tulad niya ay napaka-humble at super bait. 

Speaking of Direk Anthony, natutuwa kami sa magandang kinalalagyan niya ngayon sa showbiz. Mula sa pagiging direktor sa mga stage play at provincial shows, ngayon ay isa na siyang ganap na direktor. Nagbunga na rin ang kaniyang pagtatiyaga at paghihintay. 

Ang Marineros.. Men of the Sea ay palabas na sa September 20 sa mga sinehan. Bukod kay Michael, kasama rin sa pelikula sina Ahron Villena, Jon Lucas, Valerie Concepcion, Claire Ruiz, Paul Hernandez at marami pang iba. May premiere night ito sa September 15 sa SM Manila.

Leave a comment