Meg Imperial, bagong cover girl ng White Castle Whisky

by Roldan Castro

“2015 please be my best year,” Meg Imperial a_u

Ito ang post ni Meg Imperial sa kanyang Facebook Account na kung saan ay siya ngayon ang bagong Calendar Girl ng White Castle Whisky.

Sexy ang pictorial niya sa nasabing calendar at siguradong pagpapantasyahan ng mga kalalakihan.

Kahit sa bagong movie ni Meg na “Ex With Benefits” with Sam Milby at Coleen Garcia ay slight siyang nagpa-sexy. Aggressive daw siya roon.

Carry na rin ni Meg ang mag-drive sa sasakyan niya ngayong 2015.

Biniro siya ng Philippine Showbiz Republic (psr.ph) na nilayasan siya ng driver niya dahil ginugutom niya.

“Hindi ah, Grabeeh,” tumatawa niyang reaksyon.

“Wala na kasi akong pambayad sa driver kaya ako na ang nagda-drive,” pagbibiro niya.

“Hindi, parang natuto akong mag-drive sa ‘Moon of Desire’. After MOD, hindi ako nakapagdrive kasi parang may takot ako sa pagda-drive. Then one day, right after pagkagaling ko sa Qatar, nag-decide ako na parang siguro kailangan ko na ring matutong mag-drive na rin,’ paliwanag niya.

Baka gusto na niyang takasan si Mommy para makapag-date?

“Mukha bang natatakasan ko? Palagi ngang nakasabit.ha!ha!ha!,” humahalakhak pa niyang pahayag.

So, wala na siyang takot ngayon na mag-drive?

“Nagi-enjoy na ako pero may takot pa rin ako sa mga motor, jeep, mga taxi. Parang ang bilis-bilis nila,” sey pa niya.

Kung mag-road trip, saan ang gusto niyang mag-drive na malayong-malayo?

“Gusto ko sa Bicol pero dapat may kasalitan. Parang nabitin ako nu’ng last na punta ko dun. May mga friends na nag-invite ng dinner pero late nang natapos ang commitment ko kaya hindi na kami nakapag-bonding,” sey pa niya.

Ngayong 2015, wish din ni Meg na makasama sa isang project sina Coco Martin, John Lloyd Cruz at Angel Locsin.

“Idol ko talaga si Coco pagdating sa craft niya,” bulalas ng aktres.

Posible bang magkagusto sa bagets si Meg gaya nina Daniel Padilla, James Reid?

“Si Daniel bata pa. Sina James ka-edaran ko lang ang ‘yan,” tugon niya.

So, type niya ‘yung mga ganoong edad ni James?

“Okey naman pero siguro mas malapit lang talaga ako sa matured sa akin. Parang mas gusto ko ‘yung ahead of me ng konti para mas matured ‘yung utak. At early age kasi parang nag-matured na ‘yung pananaw ko, ‘yung isip ko kaya mas gusto ko ‘yung older sa akin para ma-advance pa ako, mas marami pa akong matutunan,” deklara pa niya.

Nakikita ba niya ang sarili niya ngayong 2015 na may wedding proposal siya?

“Sino naman ang magpo-propose? Wala ngang lovelife, eh. Wala pa sa ano ko ‘yan. Parang malayo pa. Ano pa ‘yan mga late 20’s pa ‘yan siguro. Marami pa akong gustong gawin ngayon. Huwag muna. Ang dami ko pang gustong patunayan. Dagdag lang ‘yan sa ano..stress. Ang dami ko nang pressure, eh.  Sakit sa ulo ‘yan,” sambit pa niya.

Samantala, may intrigang lumalabas na mas deserving si Meg Imperial na maging Face of the Night sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival kesa kay Nadine Lustre na hindi naman daw masyadong ayos at plain looking tingnan.

Ayaw namang mag-react ni Meg. Mas iniintindi pa niya yung impression na magaling pala siyang kumanta.

Napansin ito ng movie press nang dumalo siya sa Christmas Party ng Hataw Tabloid sa National Press Club.

Nag-post din si Meg sa kanyang Facebook Account na –

“Sabi ni Tito Vehnee S. Karirin ko na daw ang singing haha teka ma-ipush nga! thank you Ms. Ladine for being so patient to me. Mwah”

Dapat talagang bigyan ng Viva ng album si Meg dahil may ibubuga sa pagkanta.

 

 

 

Leave a comment