McCoy de Leon admits he had sex with older woman

Sa pelikulang G! mula sa Cineko Production ay gumaganap dito si McCoy de Leon bilang si Sam, ang team captain ng kanilang football team. 

May cancer siya rito. Gumawa siya ng bucket list bago siya mamatay. Isa rito ay ang makatikim na ng sex, dahil virgin pa siya sa babae. Hindi pa niya nararanasang makipag-sex. 

Dapat ay makaka-sex niya si Roxanne Barcelo nang ma-meet niya ito sa Subic at dinala siya sa tinutuluyan nitong resort sa Baguio. Kaya lang, hanggang halikan lang ang nangyari sa kanila. Dahil sa sobrang kalasingan, ay nakatulog kasi si McCoy. Hindi natuloy ang dapat sana ay sex nila. Hanggang sa mamatay si McCoy, ay nanatili pa rin siyang virgin.

Ayon kay McCoy, isang malaking challenge para sa kanya ang gumawa ng daring scene sa isang mas matanda sa kanya.

“First time ko po, masasabi ko, mahirap kasi mas matanda sa akin si Miss Roxanne. Pero sa tulong ni Direk Dondon Santos, siya po ‘yung nag-boost sa akin, nag-motivate sa akin paano atakihin ‘yung eksena. Ang lagi niyang sinasabi sa akin, pangit mang sabihin pero, ‘McCoy, manyak ka lang!’ Ganun.

“Sabi ko, ‘Direk, paano ‘yung manyak? ‘Di ko alam kung paano yan!’ Tapos pinilit ko ‘yung sarili ko, kumbaga, let it go na lang. Kumbaga, isang batang virgin na gustong mawala ang virginity niya, ‘yun ‘yung nakalagay sa utak ko.”

Ikinwento ni McCoy kung paano niya pinaghandaan ang role niya bilang isang cancer patient.

“Yung preparation ko, sobrang hirap din. Nanood ako ng mga documentaty ng may cancer. Nanood ako ng movie ng may cancer. At the same time hindi ko alam kung weird, pumunta ako sa mga cancer patients, inobserbahan ko sila. Tapos ang unang natutunan ko sa kanila, ‘yung hope na sa kabila ng lahat, nakangiti, masaya, parang walang problema.”

Kung sa G! ay virgin pa si McCoy, sa totoong buhay ay hindi na. Naranasan niya nang makipag-sex sa isang babae, na malaki ang agwat ng edad sa kanya.

“Ako po, hindi ko po sinasadya at mas older woman din ‘yun. ‘Di ko akalain. Dapat after marriage nga po dapat! Nagulat po ako, e. Kaya sobrang relate sa akin ‘yung character ko,” sabi ni McCoy na natatawa.

Samantala, zero ang lovelife ngayon ni McCoy. After niyang makipaghiwalay sa dating ka-loveteam, at karelasyon na si Elisse Joson, ay hindi pa niya naiisip na manligaw ulit at pumasok sa isang relasyon.

“Single po ako ngayon dala nga po ng mga nangyari pero pahinga muna po sa love kasi masarap po magtrabaho, masarap po mag-ipon for the future. Hindi sa nadala, siguro napagod din in a good way, pero masarap po magtrabaho ngayon.”

Bukod kay McCoy, ang tatlo pang bida sa G! ay sina Jameson Blake, Mark Oblea at Paolo Angeles. May butt exposure sila sa pelikula. Si McCoy lang ang hindi pumayag na gawin ang ganu’ng eksena. 

Si Dondon Santos ang direktor ng G! Isa ito sa entry sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino, na mapapanood na simula September 13 to 19.

Leave a comment