Matteo Guicelli shares working with Alex has no dull moment

by Rommel Placente

Isa si Matteo Guicelli sa dalawang leading men ni Alex Gonzaga sa bagong fantasy-drama series ng ABS-CBN 2, ang ‘Inday Bote’. Ang isa pa ay si Kean Cipriano.

Ayon kay Matteo nang makausap siya ng Philippine Showbiz Republic (PSR) at ng ilang entertainment press na dumalo sa presscon ng “Inday Bote”, ay aprubado ng girlfriend niyang si Sarah Geronimo ang pakikipagtambal niya kay Alex.

“Yes, okay naman and they’re friends, hindi lang friends they are very good friends kumbaga.” sabi ni Matteo.

So, walang puwedeng mangyaring selosan?

“I’m sure wala naman kasi they’re friends. Hindi naman siya magseselos, okay naman.” sagot ni Matteo.

Pero natanong niya ba si Sarah kung nagkausap sila ni Alex tungkol sa Inday

“Hindi ko pa alam. Mamaya tatanungin ko, hindi ko pa alam e.

“But she knows naman na I’m working with Alex and okay naman sa kanya, masaya naman siya.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho ni Matteo si Alex. Una silang nagkatrabaho sa defunct youth-oriented show ng ABS-CBN 2 na ‘Gokada Go!’ at sa isang episode ng ‘Maalaala Mo Kaya’.

Masaya si Matteo na muli niyang nakatrabaho at nakatambal si Alex pagkatapos ng ilang taon na hindi niya ito nakatrabaho dahil lumipat ito noon sa TV5.

“It’s very nice to work with Alex. There’s no dull moment with her. Parang every single second tumatawa ka, parang naaaliw ka sa kanya,”

Kamusta na ba sila ni Sarah? May mga lumalabas na balita na nagkakalabuan sila. How true?

“Okay naman, okay naman kami, masaya naman kami.

“Wala, that’s just negative stuff to bring us down, but it’s not gonna bring us down. Sarah and I, we’re strong, we’re going strong, and sana we’ll forever be strong, ‘di ba? Yun po.”

Follow me…

Leave a comment

Comments are closed.