Matet de Leon speaks about her unwillingness to work with Nora Aunor again; Stars with Gabi Eigenmann in GMA’s InstaDAD

by Joe Cezar

l-matet-de-leon-mgip1 Thirteen years old ang edad ni Matet de Leon nang huli silang nagkatrabaho ni Superstar Nora Aunor. Ito ang napag-alaman namin ng maka-chikahan ng Philippine Showbiz Republic (PSR) sa press conference ng family-friendly na drama series ang ihahandog ng GMA Network, ang ‘InstaDAD’.

“Ayoko nang maulit, ‘di ko kaya,” ani Matet.

“’Di kaya ng dibdib ko”

Dahil kay direk Elwood Perez?

“Natatakot ako, ‘di ko matignan e,”

On screen?

“On-screen. Hindi kay mommy din. Takot lang ako sa kanya.

“Nai-intimidate kahit si mommy… natatakot kasi alam mo ‘yung baka mamaya mali ‘yung acting ko baka pag-uwi sa bahay yari ako dito,” pagtutukoy pa ni Matet kay direk Elwood.

Paano kung magkasama-sama kayong apat ikaw, mommy mo, ate (Lotlot) mo at Janine (Gutierrez)?

“Huwag na baka walang matapos… sa gulo namin, tawa nang tawa, kulitan lang nang kulitan dagdag mo pa si Kuya Ian … pero maganda, okay siya [project] kung sakali.

Ano pinaglilihian mo?

“Wala, si (Mickey Estrada). Siya ang naglilihi?

So, lalaki?

“Hindi, mahal na mahal ko na siya. Ha-ha-ha!. Babae, pang-apat na ‘to. May isa kong lalaki pangatlong babae ko na ‘to. Ate Lot lang ang peg ko.”

Kailan ka nagpa-ultrasound?

“Last month pero..kinom-firm na siya kasi mahal ‘yung ultrasound ko parang 3D ultrasound. He-he-he!”

First time mo makasama si Gabby (Eigenmann)?

“Hindi, kasama ko na siya sa ‘Broken Vow’ kaya ang saya-saya ko rin [na] siya nakasama ko rito kumbaga ‘di na kami bago, e.”

May masasabi ka bang difference working with GMA at ABS-CBN?

“Wala naman, parehas lang naman kasi ‘yun nga, ang nangyari, naging kaibigan ko kasi halos lahat.”

Pambansang Kaibigan ka nga, diba?

“Oo naman.”

Sinabi na ba sa ‘yo kung normal or caesarian?

“Caesarian ako, gusto ko lang, oo actually merong araw na pero baka ma-adjust pa rin. Sa July ito lalabas.”

10997713_728132497292640_6726264896879983244_n

Bukod kina Gabby at Matet, kasama rin sina Gabbi Garcia, Ash Ortega at Jazz Ocampo. Ganu’n din sina Juancho Trivino at Prince Villanueva. Sa direksyon ni Neal del Rosario, mapapanood ang “InstaDAD” simula Marso 22 pagkatapos ng ‘Sunday All Stars’.

11035303_725857950853428_5212125555643932972_n

Leave a comment