Martin Nievera-Maricel Soriano reunion movie not pushing through confirms singer

Hindi na pala matutuloy ang pelikulang gagawin nina Maricel Soriano at Martin Nievera mula sa Regal Films, na magsisilbing reunion movie sana nila. 

Ito’y ayon mismo kay Martin nang makausap namin siya.

Hindi raw kasi kakayanin ng schedule ni Maricel ang gumawa ng pelikula.

“Hindi natuloy.  I think Maricel get busy with her teleserye (The Generals’ Daughter). So I guess ‘pag may break ‘yung teleserye, du’n na tayo magus-shooting,” sabi ni Martin.

Nanghihinayang ba siya na hindi natuloy ang movie nila ni Maricel?

“Hindi naman,” sagot ni Martin.

“I understand that she’s very busy. Ako rin, busy din ako.

“But I was so flattered na mayroon talagang role, na love interest with Maria. 

“Excuse me! May bedroom scene pa. As in, dumaan kami ng bedroom, ‘yun lang,” biro pa n’ya.

Pero nami-miss niya ba ang pag-arte?

“Not really. Nobody like my acting, eh,” natatawang sagot ng singer.

“Aminado ako, noon pa. I think I’m the one who ruined the movie industry, eh. So the more I stay away from the movies, tataas nang tataas ang movie ano..ang life ng movie.”

Samantala, may cameo role si Martin sa pelikulang “Feelennial” na bida sina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani. 

Hindi siya tumanggap ng talent fee rito, dahil ang kumuha sa kanya ay ang dating misis na si Pops Fernandez, na isa sa producers ng nasabing pelikula.

“If I charge, it would be even worse for me, I think. Hindi na ako i-invite sa Christmas dinner kung ganoon, kung sumingil ako. I did not make singil,” natatawa na namang sabi ni OPM icon.

Showing na ngayon ang “Feelennial’ mula sa joint venture ng Cignal Entertainment at DSL Productions. Sa direksyon ni Rechie del Carmen.

Leave a comment