Marlo Mortel feels grateful for all the opportunities that come his way

john@fontanilla
By John Fontanilla

Marlo-Mortel-2Hindi daw naiinggit ang Kapamilya Actor na si Marlo Mortel sa ibang mga ABS-CBN stars na nabibigyan ng importansiya at maraming proyekto sa Kapamilya network. Nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR) ang aktor kamakailan, siniguro nito na wala siyang nararamdamang anumang inggit sa katawan. “Siguro noong bago pa lang ako at nagsisimula pa lang, medyo kahit paano’y sumasagi yun [inggit] sa isip ko,” panimulang kuwento ni Marlo.

“Dati, sinasabi ko na mabuti pa sila at nagbibida na at nabibigyan ng sunud-sunod na projects, pero naniniwala kasi ako sa ‘right time,’ basta maghintay ka lang at huwag susuko at iyon mismo yung ginawa ko.”

Napadpad ang aming usapan sa pagpapa-sexy gaya ng ibang hunk actors ng Kapamilya. Kaya na ba niyang gawin ang mga ito para matapatan niya yung mga kasabayan niyang aktor na nakakagawa na nito on screen or sa print?

“Topless? Siguro in the near future puwede pa, pero sa ngayon, masasabi kong di pa ako ready. Kasi feeling ko hindi pa ready yung katawan ko , medyo nag-stop kasi ako sa pagpunta sa gym kaya medyo tumaba ako ng konti,” paliwanag ni Marlo.

“Kapag siguro nakita ko na okay na yung body ko, baka doon na ako sasabak sa pagpapakita ng katawan maging sa soap o sa pictorial man. Ayaw ko kasing mapagtawanan at makarinig ng di maganda pag nag topless ako. Pag may abs na ako , kasi alam naman natin na kapag nag-topless ka ini-expect ng mga tao na may abs ka agad, parang sa lalaki, yun kasi yung basehan na maganda yung katawan mo.”

“Dati kasi lagi akong laman ng gym pero ngayon medyo wala na akong time kaya na stop ako. So I think, pinaghahandaan yung ganun, sa ngayon, hindi talaga kaya eh.”

Janella-Salvador-Marlo-MortelHihingi pa ba siya ng permiso mula kay Janella [Salvador na kapareha niya], kung papaya ito? “Hindi na siguro, ako naman kasi yung may katawan so ako yung magde-decide kung kaya ko na bang mag-topless o hindi pa.”

“Siguro ikukuwento ko lang sa kanya [Janella] at titingnan ko kung ano ang magiging reaksyon niya,” dagdag pa ni Marlo.

Masaya naman daw si Marlo sa magandang itinatakbo ng kanyang karera.

“Happy ako ngayon kasi maganda yung takbo ng career ko, madaming opportunities na dumadating, ang daming projects. May TV show ako at maganda yung ratings, tapos may album ako with my group, may nakalinya pa kaming pelikula ni Janella, so wala na siguro akong mahihiling pa. Sana lang magtuloy-tuloy yung suwerte na meron ako ngayon.”

Maraming gustong pasalamatan si Marlo sa dami ng blessings na dumarating sa kanya.

“Unang una nais kong magpasalamat sa Diyos kahit without him wala naman ako sa kinatatayuan ko ngayon. Sa parents ko for always supporting me palagi, kay Kuya Germs [Moreno], kasi sa kanya ako nagsimula sa show niyang ‘Walang Tulugan with the Mastershowman,’ sa bumubuo ng ‘Be Careful with my Heart,’ dahil doon talaga ako nakilala. Sa ABS CBN dahil tinanggap nila ako, sa Star Magic at sa mga taong naniniwala sa kakayahan ko bilang isang ganap na artist. Sa lahat ng mga taong nandiyan sa tabi ko nung nagsisimula pa lang ako at hanggang ngayon. Sa fans, siyempre, kung wala sila na tumatangkilik sa loveteam namin ni Janella, wala kami,” pagtatapos ni Marlo.

Leave a comment