Marlo Mortel does “unique duet” with former American Idol contestant

Ipinahayag ni Marlo Mortel na nakatakda silang mag-record ng American Idol contestant na si Evelyn Cormier.

Si Evelyn ay kabilang sa Top 14 ng American Idol last year.

Base sa FB post ni Marlo:

“YES!!! Katy Perry’s “Favorite Voice Ever” & American Idol Finalist @evelyncormier will join me on my next original song! Same as the judges, I fell in LOVE with Evelyn’s unique voice the moment I heard her.”

Nauna rito, nagpost din ng ganito si Marlo:

“I’m a HUGE fan! Last year, I visited an American Idol venue during my vacation just to have a glimpse. Not knowing that this year, I’ll be collaborating with my personal bet from the same season! Find out who tomorrow.”

Nang naka-chat namin si Marlo, humingi kami ng kaunting details sa kanilang gagawing duet recording ni Evelyn.

Reply sa amin ng actor, singer, composer, TV host, “Next week yung announcement ko about the release date.

“But it’s gonna be a unique duet! It’s entitled “Bones” ako ang nagsulat. And separate namin irerecord. Ako sa kuwarto ko with my laptop and mic. Si Evelyn naman sa studio sa hometown niya, sa New Hampshire.”

Dagdag pa ni Marlo, “I’m a huge fan dahil last year, I visited an American Idol venue during my vacation just to have a glimpse. 

“Not knowing that this year, I’ll be collaborating with my personal bet from the same season.”

Paano sila nagkakilala ni Evelyn at ano ang reaction nito nang marinig ang komposisyon niyang Bones?

Tugon ni Marlo, “Noong nakikita ko na nire-repost niya ‘yung mga songs na isinulat ko ngayong lockdown, nagkaroon ako ng idea and tinanong ko siya if gusto niyang mag-duet and agad naman siyang nag-yes.

“Nagandahan siya! Ibigay ko na raw agad yung lyrics para mapag-aralan na niya  at mai-record,” saad pa ng tinaguriang Boyfie ng Bayan sa second question namin.

Leave a comment