Marinella Moran misses showbiz, now she wants to produce movie

Year 1997 nang sumabak ang isang pretty at sexy newcomer na nagngangalang Marinella Moran, sa mundo ng showbizlandia. Kahit sa murang edad niyang 13, nagpakita ng determinasyon si Marinella sa kanyang pinasok na career.

After completing almost 40 movies, Marinella called it quits to pursue her college diploma.

Ngayon ay Singapore based na ang former actress ng 90’s era, may sariling pamilya, at may maayos na business.

Marinella’s fond memories of her showbiz career is very much evident sa aming masayang tsikahan via FB’s private messaging.

Sambit niya, “Tumigil ako sa showbiz noong 2006, because of my studies and I feel that at my age I want to start a family, get married, have kids and put up a small business in Singapore.

“Nami-miss ko iyong showbiz and I missed so much ang reporter or journalist na mga friends ko. And yung mga call time kapag may shooting or shows.”

Nag-flash back siya kung paano nag-start ang kanyang showbiz career.

Lahad ni Marinella, “My very close friend na si Klaudia (Koronel), magkasama kami sa Seiko Films noong meeting niya kay Robbie Tan. And sabi niya (Robbie) sa akin, ‘You can be in the movie/showbiz industry’. Then sabi niya sa akin, ‘Mag-shoot ka na next week’.

“Then I said ‘Yes’, ‘coz I thought he was joking, pero totoo pala. Tapos… then I met Lito de Guzman, bigla niya ako binigyan ng movie also. Iyon, tuloy-tuloy na ang karera, hehehe.”

First movie ni Marinella ang Klaudia Koronel-Anton Bernardo starrer titled Anakan Mo Ako ng Seiko Films. Itinuturing naman niyang most memorable at biggest break ang pelikulang Sa Paraiso ni Efren ni Anton Bernardo.

“Kasi po, it was remarkable that I was very new in the showbiz industry and I was chosen to be nominated as Best Supporting Actress,” pakli pa niya.

Actually, ang pandemic ang naging daan para ma-miss ni Marinella ang showbiz at maisipang mag-comeback.  

“Na-miss ko ang showbiz especially when the pandemic started, kasi I have time to watch my old movies, lalo yung Paraiso ni Efren. Kaya naisipan kong mag-comeback.”

Sa ngayon, hinihintay na lang ni Marinella na lumuwag na ang restrictions sa Pilipinas bunsod ng corona virus pandemic, para makapagbiyahe na sa bansa at makapagbalik-acting na siya.

Bahagi ng plano niya ang magprodyus ng pelikula at okay lang sa kanya kung gaganap siya ng supporting role.

Kabilang sa napipisil nilang kunin sa pelikula ang mag-inang sina Jaclyn Jose at Andi Eigenmann, plus si Rosanna Roces.

Kasama niya sa pagbabalik sa bansa ang youngest son niyang si Alexander Robin Hardman na ngayon ay 2 years old na.

Sobrang cute ni Alexander kaya hindi nakapagtatakang ngayon pa lang ay may mga naka-line up ng projects sa kanya.

“If there is a chance sa showbiz, okay lang po na pumasok siya. But sa ngayon, ang daming nag-offer na ng commercials and print ads and billboard sa anak ko,” masayang kuwento pa ni Marinella.

Leave a comment