Maricel deserves more scenes in TGD; Snooky stars in Sahaya

Pumapalag ang ilang tagahanga ni Maricel Soriano na nagrereklamo sa partisipasyon ng aktres sa “The General’s Daughter” na pinagbibidahan ni Angel Locsin. Hindi raw kasi consistent ang paglabas niya sa naturang teleserye. 

Ang pagkakaalam namin ay special participation lang naman talaga ang Diamond Star sa TGD kaya puwedeng limitado ang appearance niya. Si Nora Aunor ay special participation lang din sa Onanay pero tumagal siya rito hanggang sa pagtatapos ng teleserye na baka malay natin ay puwede ring mangyari kay Marya. 

Ang mga tulad ni Maricel na maituturing na movie icon ay dapat bigyang halaga dahil sa mga naiambag niya sa movie industry. Nakalulungkot nga nang ipromote ang serye sa ASAP Natin ‘To ay hindi siya nabigyan ng importansiya. Na hindi naramdaman ang kaniyang pagiging big star.  Nang ipakilala siya ay kasunod lang siya ng mga nasa supporting cast. Puwede na ngang si Angel ang huling tatawagan at wala nang debate run pero sana before Angel ay si Marya sana. 

Anyway, sana nga sa mga susunod na episode ng TGD ay madalas nang makita si Maricel. In fairness sa kasabayan niyang si Snooky Serna ay hindi lang madalas kundi regular siyang napapanood sa mga teleserye sa Kapuso Network. 

Katatapos lang niya sa teleseryang “Pamilya Roces” kamakailan lang ay may kasunod na agad siyang proyekto sa Siyete at ito ay ang  Sahaya.  Sa isang taon yata ay nakakadalawa siya o tatlong teleserye. Naging maganda na kasi ang working habit ng aktres. As in, nawala na ang kaniyang pagiging unprofessional na sumira sa kaniyang career. 

Ang maganda pa kay Snooky, marunong siyang makisama sa staff, crew at kasamahan niyang artista. Marespeto sa mga senior stars na nakakasama niya at hindi isnabera sa mga baguhang artista. Sa totoo lang, sweet naman talaga itong si Cookie na kahit minsan ay may pagkaluka-luka rin. Hindi ba Leo Dominguez?

Leave a comment