Marian Rivera’s daughter has a touching birthday wish

Naantig ang puso ng Kapuso Primetime Queen at Tadhana host na si Marian Rivera sa hiling ng panganay na anak na si Zia sa kaniyang fifth birthday. 

Sa Instagram, ipinakita ng aktres ang naging intimate celebration ng kanilang pamilya, “Happy birthday Ate Z! I was so touched when she told me this morning that her wish is to keep her family, friends and everyone she knows safe and for the World to be healed. Aww.”

Dagdag pa ni Marian, thankful siya na habang lumalaki si Ate Zia ay mas nagiging thoughtful daw ito.

Nangako rin siyang lagi niya itong puprotektahan at susuportahan.

Leave a comment