Marian, Dingdong team up for ‘Tadhana’

Mapapanood na rin ngayong Sabado (October 3) ang fresh episode ng Tadhana.

At gaya ng marami, work-from-home rin ang naging set-up ng host nito na si Marian Rivera kasama ang asawang si Dingdong Dantes na siya namang nag-direct sa kanya.

May adjustment din daw sa part ng Kapuso Primetime Queen ang pagtatrabaho mula sa bahay.

“Siyempre, sanay tayo na lumalabas ng bahay kapag nagtatrabaho. Pero this time, dito sa loob ng bahay namin halos ginagawa yung lahat ng trabaho,” share ni Marian sa 24 Oras.

Malaki nga raw ang pasasalamat niya sa bumubuo ng Tadhana dahil naiintindihan nila ang desisyon niyang huwag munang lumabas ng bahay.

Hindi naman ito ang unang pagkakataong nakatrabaho ni Marian si Dingdong sa Tadhana.

Nauna nang nag-direk si Dingdong ng isang anniversary episode ng programa. 

Tumayo ring host ng Tadhana ang Kapuso Primetime King noong nakaraang taon habang naka-maternity leave si Marian.

Ngayong Sabado, bibida sina Katrina Halili at Jason Abalos sa episode tungkol sa isang misis na naging biktima ng sexual at physical abuse ng sariling mister habang naka-lockdown.

Makakasama nila sa episode sina Arny Ross at Ali Khatibi.

Mapapanuod ang Tadhana 3:15 p.m. bago ang Wish Ko Lang! sa GMA Network. 

Leave a comment