March 19, 2024
Maria Ozawa looks forward to spending her first Christmas in the Philippines
Faces and Places Latest Articles Movies

Maria Ozawa looks forward to spending her first Christmas in the Philippines

Dec 14, 2015

by PSR News Bureau

MAria OzawaMagmula nang unang bumisita ang Japanese porn star na si Maria Ozawa sa bansa ay kaagad dumami ang kanyang mga proyekto. Naging cover girl na siya ng FHM magazine at nakagawa na rin ng pelikula, ang “Nilalang” na isa sa mga kalahok para sa Metro Manila Film Festival sa taong ito. Bukod dito ay nakatakda rin siyang magbukas ng isang bar na may pangalan na La Maison na matatagpuan sa Resorts World Manila.

Itinuturing na nga raw ni Ozawa na pangalawang tahanan ang Pilipinas dahil mas madalas na siya mamalagi dito sa bansa. “I would shuttle back and forth from Japan to the Philippines,” bulalas ni Ozawa nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).

Kung mayroon mang Christmas wish si Ozawa ito daw ay ang makahanap siya ng ‘special someone.’ “There’s no man in my life right now. I’d love to find somebody from the Philippines because I don’t want to spend the holidays alone. I’m seriously thinking if I’d be spending my first Christmas here,” pagdedeklara niya.

Sanay na nga raw si Ozawa sa climate na mayroon ang bansa. Nag-eenjoy siya sa maraming bagay habang naririto siya. Gustong-gusto niya ang mga pagkaing Filipino gaya ng adobo, crispy pata, bibingka, sinigang, halo-halo at pichi-pichi. “I’ve tried balut but I couldn’t handle it. But everything else, I love,”pagmamalaki pa nito.

maria ozawa 1Miski ang pananagalog ni Ozawa ay lagi na rin niyang binibigyang pansin. “I hired a tutor. I’m learning bits and pieces of conversational Tagalog like ‘magandang umaga,’ ‘ate,’ ‘ganda,’ ‘guwapo.’ Things like that. Everybody is so handsome here.”

Tuwang-tuwa rin si Ozawa nang mag-shooting ito nang “Nilalang” kung saan ginagampanan niya ang papel ni Miyuki, ang anak ng Yakuza leader sa Manila. “I had so much fun shooting the film. It had lots of action scenes that I’ve never done before. I may have gotten bruises from head to toe but it was all worth it. Now I know that the harder the scene is, the better it comes out,” pahayag pa ni Ozawa.

Thrilled din daw si Ozawa na makapartner si Cesar Montano sa nasabing pelikula. “He was really very nice and caring every second. He gives me tips on the action scenes.”

All-praises din si Ozawa sa lahat ng nakatrabaho nitong Pinoy sa nasabing pelikula. Ayon pa sa kanya, nais niyang dalhin ang ilang Japanese employees niya sa nalalapit na pagbubukas ng La Maison sa Remington Hotel sa Resorts World Manila.

Leave a comment

Leave a Reply