Maine picks Arjo over Alden, Carlo; Javi Benitez celebrates birthday with Sue Ramirez, youth volunteers

Sa guesting ni Maine Mendoza sa Tonight With Boy Abunda, para sa promo ng movie nila ni Carlo Aquino na Isa Pa With Feelings, ay tinanong siya ni Kuya Boy kung gaano kalaking bahagi ng kaligayahan niya si Arjo Atayde, na kanyang boyfriend. 

Ang sagot ni Maine, “Malaking bahagi po.”

Sa segment naman ng show na Fast Talk, isa sa tanong ni Kuya Boy kay Maine, na kung sino ang pinakagwapo, si Alden Richards, Carlo Aquino o Arjo. Ang mabilis na sagot ni Maine ay si Arjo. 

At least, hindi naging plastik si Maine. Kahit ka-loveteam niya si Alden, ay hindi ito ang pinili niya. At kahit kasagsagan ng promo ng movie nila ni Carlo, ay hindi rin ito ang pinili niya. 

Nagpakatooo lang si Maine na para sa kanya ay si Arjo ang pinakagwapo. 

Siyempre, boyfriend niya ang aktor, kaya natural lang na ito ang piliin niya, ‘di ba? 

Sa tanong naman ni Kuya Boy, na “Last night of the world, Arjo proposes to you, ano ang isasagot mo sa kanya?”

Yes ang naging sagot ni Maine. Iisa lang ang ibig sabihin nito, na mahal talaga ni Maine si Arjo, at ito na nga ang lalaking gusto niyang makatuluyan at makasama sa iisang bubong.

‘Pag nakarating kay Arjo ang naging sagot na ito ni Maine, maging dahilan kaya ito para maisipan niya nang mag-prose sa tinaguriang Dubmash Queen?

*************

KAKAIBA ang naging celebration ng Kapamilya actor na si Javi Benitez sa kanyang kaarawan noong October 8.  

Sa kanyang hometown sa Bacolod, nag-lead si Javi ng 5,000 mangrove seedlings planting. 

Ginanap ito sa Barangay Tomongtong, E.B. Magalona. Kasama ni Javi sa nasabing birthday outreach si Sue Ramirez, na katambal niya sa pelikulang Kid Alpha One, at around 500 youth volunteers.

Ani Javi, “This is a meaningful step towards making a significant contribution to environmental awareness and protection. This is a personal advocacy. Best birthday spent with the most special people.”

Leave a comment